Joy Barcoma, may suhestiyon para sa mga tatakbo sa 2028 elections

Joy Barcoma, may suhestiyon para sa mga tatakbo sa 2028 elections

  • Isang nakakaaliw ngunit laman ang malalim na punto na suhestiyon ang ibinahagi sa social media ni Miss Philippines Earth 2025 Joy Barcoma kaugnay ng mga nagnanais na mamuno sa bansa sa mga darating na eleksyon.
  • Sa pamamagitan ng kanyang opisyal na Threads page, hayagang nagtanong ang beauty queen-turned-host kung maaari bang ipasok sa tanyag na Bahay ni Kuya ang mga tatakbong presidente sa 2028 upang masuri ang kanilang totoong mga ugali.
  • Agad namang pumukaw sa atensyon ng libo-libong netizens ang nasabing pahayag kung saan iba't ibang komento, mula sa pagsuporta hanggang sa mga biro tungkol sa eviction at live streaming, ang sumunod.
  • Marami ang sumang-ayon dahil sa paniniwalang mas madaling matutuklasan ang tunay na kulay at personalidad ng isang tao sa loob ng isang reality show kaysa sa mga tradisyonal na kampanya sa labas.

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Kamakailan lamang ay umani ng samu’t-saring reaksyon at naging usap-usapan sa iba't ibang social media platforms ang ibinahaging suhestiyon ng kilalang beauty queen-turned-host at Miss Philippines Earth 2025 na si Joy Barcoma.

Read also

Boy Tapang, ninakawan umano ng college student na kaniyang empleyado

Joy Barcoma, may suhestiyon para sa mga tatakbo sa 2028 elections
Joy Barcoma, may suhestiyon para sa mga tatakbo sa 2028 elections (📷Joy Barcoma/Facebook)
Source: Facebook

Ito ay matapos niyang mag-post sa kanyang Threads page ukol sa posibleng paraan kung paano mas makikilala ng taumbayan ang mga taong nais maglingkod at mamuno sa pamahalaan.

Sa gitna ng pag-usbong ng mga usapan tungkol sa mga posibleng maging lider ng bansa, direktang nagtanong ang tanyag na personalidad sa kanyang mga tagasunod.

“What if ipasok sa PBB house mga tatakbong presidente sa 2028 para malaman talaga natin ugali nila?” tanong ni Joy sa kanyang post na agad ding dagsaan ng mga reaksyon mula sa mga netizen.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi nagtagal ay pinasok na ito ng mga komentong naglalaman ng iba't ibang pananaw, kung saan may mga natawa at mayroon ding seryosong sumang-ayon sa naging ideya ng host. May isang netizen pa ang nagbiro at nagsabing, “Tas kapag na-evict hindi na pwedeng tumakbo.”

Agad naman itong sinagot ni Joy ng isang matipid ngunit natatawang pagsang-ayon sa pamamagitan ng kanyang pahayag na, “Satrue hahahahaha.”

Read also

Prominenteng personalidad sa Batangas, tinukoy na umano sa kaso ni Charles Usi

May ilan ding nagpahayag ng kanilang pagdududa kung kakayanin ba ng mga taga-suporta ng mga politiko na panatilihin ang parehong enerhiya tulad ng mga tagahanga ng mga ordinaryong housemate. Subalit mas marami ang pumanig sa ideya dahil mas naniniwala sila na mas mabilis kumilatis ng tunay na pagkatao ang mga tao sa loob ng isang bahay na binabantayan ng camera 24 oras.

“Dapat 24/7 ang livestream. Hindi pwdeng mag edit and censor ng convo si Kuya pra walang bias,” dagdag pa ng isang netizen na sumuporta sa naturang ideya.

Kilala si Joy Barcoma hindi lamang sa kanyang mga naging tagumpay sa mundo ng pageantry kundi pati na rin sa kanyang mga matatalinong opinyon at aktibong pakikipag-ugnayan sa mga isyu sa lipunan. Bagamat isa itong biro o kathang-isip na senaryo, nag-iwan ito ng makabuluhang diskusyon sa publiko ukol sa kahalagahan ng transparency at malalim na pagkilala sa mga taong pinagkakatiwalaan natin ng ating boto at kinabukasan.

Ang mga kontrobersyal o kaya ay nakakatuwang pahayag mula sa mga kilalang artista at beauty queen ay madalas talagang magsilbing mitsa sa mga mas malalaking talakayan patungkol sa ating lipunan at gobyenang kinabibilangan. Sa mundong puno ng iba't ibang impormasyon, ang mga ganitong paksa ay nagbibigay-daan upang mas maging bukas ang kaisipan ng mga botante sa pagiging mapanuri.

Read also

Bagong anggulo sa kaso ng working student sa Batangas, tinitingnan

Para sa mga nais pang magbasa ng iba pang maiinit at kawili-wiling balita patungkol kay Joy Barcoma at sa kanyang mga paninindigan sa buhay at karera, maaari ninyong bisitahin ang mga link na ito:Joy Barcoma, inamin kung bakit hindi na kayang ipagpatuloy ang Dogshow DivasatJoy Barcoma, ipinagtanggol ang kasipagan ng mga manggagawa. Ang mga artikulong ito ay nagpapakita ng iba pang mukha ng kanyang pagkatao sa kabila ng kanyang kasikatan sa industriya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate