Sarah Lahbati, binigyan ng kanyang mister na si Richard Gutierrez ng bagong sasakyan

Sarah Lahbati, binigyan ng kanyang mister na si Richard Gutierrez ng bagong sasakyan

- Marami ang napa-"wow" sa sorpresa ng aktor na si Richard Gutierrez sa misis nitong si Sarah Lahbati

- Sa isang Instagram post ay pinasalamatan ni Sarah ang mister sa binigay nitong sasakyan na green

- Ani Sarah, hindi lamang best dada sa kanilang mga anak si Richard kundi pinaparamdam umano nito kay Sarah na siya ang reyna niya kahit sa mga pagkakataong hindi niya inaasahan

- Pinasalamatan din ni Sarah ang asawa sa unconditional love nito sa kanya at sa kanilang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pinasalamatan ni Sarah Lahbati ang kanyang mister na si Richard Gutierrez sa bonggang sorpresa nito sa kanya. Isang sasakyan ang kanyang natanggap na may pa-bulaklak pa mula sa kanyang asawa.

Sarah Lahbati, binigyan ng kanyang mister na si Richard Guttierez ng bagong sasakyan
Sarah Lahbati (@sarahlahbati)
Source: Instagram

Ani Sarah, hindi lamang best dada sa kanilang mga anak si Richard kundi pinaparamdam umano nito kay Sarah na siya ang reyna niya kahit sa mga pagkakataong hindi niya inaasahan. Pinasalamatan din ni Sarah ang asawa sa unconditional love nito sa kanya at sa kanilang pamilya.

Read also

Sharon Cuneta, naiyak noon kay Olivia Lamasan dahil sa 'Madrasta': "I'm so mad at you"

@richardgutz, i’m speechless. Besides being the best dada to Zion & Kai, you make me feel like a queen even when i least expect it. I’m grateful to you for a lot of things, for this insane surprise… but mostly for your unconditional love, through ups and downs.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Sarah Lahbati ay isang Filipino-Moroccan actress na sumikat matapos tanghaling StarStruck V's Ultimate Female Survivor ng 5th season ng "StarStruck", isang talent show sa GMA-7.

Ikinasal siya kay Richard Gutierrez o Richard Kristian Rama Gutierrez na isang kilalang aktor, environmentalist at modelo. Isa siya sa mga anak ng batikang aktor na si Eddie Gutierrez at Anabel Rama.

Matatandaang inanunsiyo ng mag-asawa na napagpasyahan nilang i-postpone muna ang engrandeng kasalan bunsod ng pandemic. Gayunpaman, itinuloy nila ang pagpapakasal noong Marso 14.

Read also

PBB ex-housemate Franki Russel, sasabak sa Miss Universe UAE

Hindi na muna nila itinuloy ang kanilang nakaplanong magarbong kasalan kundi isang simple at intimate wedding na lamang ang nangyari kung saan tanging piling tao lamang ang nakadalo kabilang na ang kani-kanilang pamilya.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, walang mali sa pagpapahayag ng opinyon ukol sa isang paksa, at walang mali sa paglaban ng iyong paniniwala ngunit nawa ay iwasan ang dagliang pangungutya at mapanirang pahayag. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel