Cristy Fermin: "Si Richard talaga ang pinakamabait na Gutierrez"

Cristy Fermin: "Si Richard talaga ang pinakamabait na Gutierrez"

- Napuri ni Cristy Fermin si Richard Gutierrez sa gitna ng kontrobersiyang kinabibilangan nito

- Aniya, sa lahat umano ng anak nina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez, si Richard umano ang pinakamabait

- Gayunpaman, napuri rin niya ang magkakapatid na aniya'y kailanman ay hindi siya binastos

- Matatandaang mainit na usapin din sa showbiz ngayon ang hiwalayan 'di umano nina Sarah at Richard na wala pang kumpirmasyon sa magkabilang panig

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa gitna ng kontrobersiya ng usap-usapang hiwalayan nina Sarah Labhati at Richard Gutierrez, napuri ni Cristy ang aktor pagdating sa ugali nito.

Cristy Fermin: "Si Richard talaga ang pinakamabait na Gutierrez"
Richard Gutierrez (@richardgutz)
Source: Instagram

Sa pinakabagong episode ng Showbiz Now Na! inihayag ni Cristy na para sa kanya, si Richard umano ang pinakamabait sa magkakapatid na Gutierrez.

"At sa kanilang lahat, sorry Ruffa, sorry kay Kambal kay Raymond. Pero si Richard talaga ang pinakamabait na Gutierrez," ani Cristy.

Read also

Sarah Lahbati, pinusuan ang komentong “Ipaglaban mo ang bandera nating mga waldasera"

Ito ay dahil sa dami ng intriga at kontrobersiya noon pa man sa pagitan nila ng pamilya Gutierrez ay masasabi ni Cristy na kailanma'y 'di siya nagawang bastusin ng mga ito.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Never akong binastos ng magkakapatid na Gutierrez. Ang papuri ko sa mag-asawa. Hindi nila tinuturuan ng mali ang kanilang mga anak."

Dahil dito, labis umano ang kanyang panghihinayang na nasasangkot umano ngayon si Richard sa isyu na may kaugnayan sa posibleng dahilan ng matunog na hiwalayan nila ni Sarah.

Gayunpaman, tulad nang nasasabi na noon pa man ni Cristy, tanging sina Richard at Sarah lamang ang makasasagot ng kung ano ang totoong nangyayari sa kanilang relasyon.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Cristy mula sa kanilang YouTube channel na Showbiz Now Na!

Si Richard Gutierrez ay isang aktor, model at TV host sa Pilipinas. Anak siya ng beteranong aktor na si Eddie Gutierrez at dating beauty queen-actress na si Ruffa Gutierrez. Kasal si Richard sa aktres na si Sarah Labhati. Biniyayaan sila ng dalawang anak na sina Zion at Kai.

Read also

Cristy sa muling pagsasama ng KathNiel: "Very professional sila"

Binalot kamakailan ng kontrobersya ang buhay may asawa ni Richard dahil umano sa napansin ng publiko na hindi na sila madalas magkasama ng misis na si Sarah. Katunayan, isa sa mga bagong socmed post ni Richard, tanging mga anak na lamang niya ang kanyang kasama.

Maging ang ina nina Richard na si Annabelle Rama ay minsan nang nadawit umano sa isyu na ito na wala pa ring kumpirmasyon mismo sa mag-asawang Richard at Sarah.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel