Cristy sa muling pagsasama ng KathNiel: "Very professional sila"

Cristy sa muling pagsasama ng KathNiel: "Very professional sila"

- Napag-usapan nina Cristy Fermin, Wendell Alvarez at Romel Chika ang tungkol sa muling pagsasama ng Kathniel

- Matatandaang ito ay para sa ABS-CBN Christmas Special na ginaganap kamakailan

- Kitang-kita raw umano ang animo'y pag-iwas ni Kathryn sa ilang paghawak ni Daniel

- Gayunpaman, nilarawan ni Cristy na very professional ang dalawa na sa kanilang pagsasama matapos kumpirmahin sa publiko ang kanilang hiwalayan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa natalakay nina Cristy Fermin, Wendell Alvarez at Romel Chika ang tungkol sa muling pagsasama nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa entablado.

Cristy sa muling pagsasama ng KathNiel: "Very professional sila"
Cristy sa muling pagsasama ng KathNiel: "Very professional sila"
Source: Instagram

Naganap ito sa ABS-CBN Christmas special at Asia Artist Awards kamakailan. Ito ang unang pagkakataon na nakita muling magkasama ang dalawa matapos nilang kumpirmahin ang kanilang hiwalayan noong Nobyembre 30.

Marami umano ang nakapansin ng animo'y pag-iwas ni Kathryn sa ilang paghawak ni Daniel. Subalit ani Cristy, kapuri-puri umano ang pagka-propesyonal ng dalawa lalo na ni Kathryn.

Read also

Cristy Fermin: "Si Richard talaga ang pinakamabait na Gutierrez"

"At 'yun naman ang kapuri-puri sa Kathniel Love team na ito. Na sa kabila po, sabi nga ni Romel 'nung napakatinding nararamdaman ni Kathryn sa ginawa sa kanya ni Daniel, nakita naman natin nakapag-perform, naibigay ang para sa kanilang network. Ibinigay ang kaligayahan ng kanilang mga tagasuporta. Very professional sila."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Showbiz Now Na!:

Si Kathryn Bernardo ay isang aktres na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng "It Might Be You". Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang tambalan nila bilang "KathNiel."

Matatandaang binalot kamakailan ng kontrobersiya ang Kathniel matapos umanong maibahagi ni Ogie Diaz ang kanya umanong nabalitaan sa isang source tungkol kina Daniel Padilla at Andrea Brillantes. Inulan ito ng batikos na humantong pa sa puntong inakusahan si Ogie na nagpapakalap umano ng fake news.

Read also

Janno Gibbs, humiling ng privacy sa kanilang pagluluksa

At nito lamang Nobyembre 30, halos sabay na kinumpirma nina Kathryn at Daniel ang kanilang paghihiwalay na matagal nang naging bali-balita bago pa man ipalabas ang pelikula ni Kathryn na A Very Good Girl. Sa pamamagitan ng kani-kanilang post, naglahad ng saloobin ang dalawa upang ipaunawa lalo na sa kanilang mga fans ang parehong desiyon na mayroon pa rin umanong respeto at pagmamahal.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel