Cristy, may hamon umano kay Karla Estrada: "Tatlo tayong maghaharap-harap"

Cristy, may hamon umano kay Karla Estrada: "Tatlo tayong maghaharap-harap"

- Naglabas na muli ng pahayag si Cristy Fermin kaugnay sa umano'y naging reaksyon ni Karla Estrada sa kanyang pasabog kamakailan

- Matatandaang nanindigan umano si Cristy na isang kaibigan ni Karla ang nagsabing mismong siya ang nagkumpirma ng hiwalayan ng anak at ni Kathryn Bernardo

- Agad naman itong pinabulaanan ni Karla sa pamamagitan ng isang post

- Aniya, wala itong katotohanan at kailanma'y hindi siya nanghihimasok sa relasyon ng mga anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tahasang hinamon ni Cristy Fermin si Karla Estrada na sila umano ay magharap-harap upang magkaalaman kung sino ang nagsasabi sa kanila ng katotohanan.

Cristy, may hamon umano kay Karla Estrada: "Tatlo tayong maghaharap-harap"
Cristy, may hamon umano kay Karla Estrada: "Tatlo tayong maghaharap-harap" (Karla Estrada)
Source: Instagram

Matatandaang noong nakaraang linggo, naging pasabog ni Cristy ang kanya umanong paninindigan na hiwalay na talaga sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

"Kami po maninindigan kaming tatlo na hiwalay na po talaga sina Daniel Padilla at si Kathryn Bernardo. Umamin na po si Karla Estrada sa isa niyang kaibigan na wala na, tapos na. Ang tanong na lang natin ngayon, kailan ito naganap?" ani Cristy sa isang episode ng kanyang YouTube channel na Showbiz Now Na!

Read also

Leren Mae, ipinaliwanag ang viral Christmas tree post: "We're just making fun of us na lang"

Agad naman itong pinabulaanan ni Karla Estrada sa pamamagitan ng isang post.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ngayon, ang umano'y paghaharap niya, ni Karla at ang kanyang source ang nakikitang solusyon ni Cristy upang magkaalaman kung sino ang nagtatago o naglalahad ng katotohanan sa Kathniel.

"Hindi na ako makikipag-argumento pa. Ang pinakamaganda diyan. Magharap-harapan kami ng aking source at saka siya. Magkita-kita kaming tatlo," giit ni Cristy.

Kaya sa panahong ito, hinahamon ko si Karla Estrada. Para malaman natin kung sino ang nagsasabi ng katotohanan at kung sino ang nag-iimbento lang. Tatlo tayong maghaharap-harap"

"Ang problema, sino sa mga sources na pinagsabihan niya na naghiwalay ang anak niya at si Kathryn ang kanyang naiisip na nakapagparating sa akin ng mensahe.

"Sa ngayon ang hindi niya malaman, sino sa mga sources o sino sa mga kaibigan niyang pinagsabihan ang nakapagparating sa atin ng kwento," dagdag pa nito.

Read also

Alex Gonzaga, nahampas ni Mommy Pinty matapos magulat sa video na pinapanuod nito

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Karla Estrada ay isang aktres, singer at TV host sa Pilipinas. Siya ang ina ng aktor na si Daniel Padilla. Isa si Karla sa orihinal na mga hosts ng programang Magandang Buhay kasama sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.

Matatandaang binalot kamakailan ng kontrobersya ang Kathniel matapos umanong maibahagi ni Ogie Diaz ang kanya umanong nabalitaan sa isang source tungkol kina Daniel Padilla at Andrea Brillantes. Inulan ito ng batikos na humantong pa sa puntong inakusahan si Ogie na nagpapakalap umano ng fake news.

Nagawa naman umanong ipagtanggol ni Cristy Fermin si Ogie Diaz sa matinding bashing na tinamo nito nang makarating sa kanya ang balitang totoo ang 'di umano'y hiwalayan ng Kathniel. Gayunpaman, magpasahanggang ngayon, wala paring kumpirmasyon mismo sina Kathryn at Daniel ukol dito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel