Karla, sa umano'y pasabog ni Cristy ukol sa Kathniel: "Ito po ay walang katotohanan"

Karla, sa umano'y pasabog ni Cristy ukol sa Kathniel: "Ito po ay walang katotohanan"

- Agad na pinabulaanan ni Karla Estrada ang umano'y naging pahayag ni Cristy Fermin

- Ito ay patungkol sa umano'y hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

- Nasabi kasi ni Cristy na nakarating sa kanilang si Karla ang nagkumpirma umano ng hiwalayan sa isa nitong kaibigan

- Sa ngayon, wala pang pahayag mismo ang dalawa kaugnay sa hindi mamatay na isyu ng kanila umanong hiwalayan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Mabilis na pinabulaanan ni Karla Estrada ang umano'y naging pahayag ni Cristy Fermin patungkol umano sa hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Karla, sa umano'y pasabog ni Cristy ukol sa Kathniel: "Ito po ay walang katotohanan"
Karla, sa umano'y pasabog ni Cristy ukol sa Kathniel: "Ito po ay walang katotohanan" (Karla Estrada Facebook)
Source: Facebook

Ito ay matapos na ihayag ni Cristy na hiwalay na ang dalawa gayung si Karla raw ang nagkumpirma sa isa nitong kaibigan.

"Kami po maninindigan kaming tatlo na hiwalay na po talaga sina Daniel Padilla at si Kathryn Bernardo. Umamin na po si Karla Estrada sa isa niyang kaibigan na wala na, tapos na. Ang tanong na lang natin ngayon, kailan ito naganap?" ang matapang na naging pahayag ni Cristy ukol sa isyu ngayon ng Kathniel.

Read also

Cristy, sa umano'y hiwalayan ng Kathniel: "Galing sa bibig mismo ng ina ni Daniel Padilla"

Sa kanyang Facebook page, agad na pinabulaanan ito ni Karla.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Ito po ay walang katotohanan," ani Karla sa kanyang post kung saan naibahagi ang artikulong naglalaman ng ulat ukol sa naging pahayag ni Cristy.

Sa ngayon, wala pa ring pahayag sina Kathryn at Daniel ukol sa isyu kaya naman marami pa rin ang umaasang nananatiling matatag ang relasyon ng Kathniel.

Si Karla Estrada ay isang aktres, singer at TV host sa Pilipinas. Siya ang ina ng aktor na si Daniel Padilla. Isa si Karla sa orihinal na mga hosts ng programang Magandang Buhay kasama sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.

Samantala, si Kathryn Bernardo ay isang aktres na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng "It Might Be You". Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang tambalan nila bilang "KathNiel."

Read also

Cristy Fermin kay Vice Ganda: "Kung gusto mo na makipagtuos, meron namang paraan para diyan"

Matatandaang binalot kamakailan ng kontrobersya ang Kathniel matapos umanong maibahagi ni Ogie Diaz ang kanya umanong nabalitaan sa isang source tungkol kina Daniel Padilla at Andrea Brillantes. Inulan ito ng batikos na humantong pa sa puntong inakusahan si Ogie na nagpapakalap umano ng fake news.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica