Cristy Fermin kay Vice Ganda: "Kung gusto mo na makipagtuos, meron namang paraan para diyan"

Cristy Fermin kay Vice Ganda: "Kung gusto mo na makipagtuos, meron namang paraan para diyan"

- Sumagot si Cristy Fermin sa naging biro ni Vice Ganda sa isang kalahok na nagngangalang Cristy

- Ani Cristy, kahit hindi tinukoy na siya ang pinaparinggan ay alam niya na siya ang tinutukoy nito

- Aniya, siya ay nagsasalita kay Vice Ganda nang diretsahan tungkol sa umano'y pagiging mayabang nito

- Dagdag pa niya, dapat ay hindi nagkukubli si Vice at sabihin nang diretso ang kanyang gustong sabihin

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinagot ni Cristy Fermin ang biro ni Vice Ganda sa isang kalahok sa It's Showtime. Kamakailan ay tinanong ni Vice Ganda ang isang contestant na nagngangalang Cristy na "Anong pinagkakaabalahan mo, Cristy, bukod sa paggawa ng mga kasinungalingan?”

Cristy Fermin kay Vice Ganda: "Kung gusto mo na makipagtuos, meron namang paraan para diyan"
Cristy Fermin kay Vice Ganda: "Kung gusto mo na makipagtuos, meron namang paraan para diyan"
Source: Instagram

Kahit hindi daw sinabing siya yung pinaparinggan nito ay alam niyang siya ang tinutukoy nito. Sinagot daw niya si Vice dahil sa mensahe ng kanyang kaibigan na kailangan nang mapagsabihan si Vice.

Read also

Vice Ganda, pinasaya ang staff ng It's Showtime sa kanyang maagang pamasko

Ayon pa kay Cristy, nagsasalita siya kay Vice Ganda nang diretsahan tungkol sa umano'y pagiging mayabang nito kaya dapat ay ganun din ang gawin ni Vice Ganda at hindi yung patalikod daw kung tumira.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan si Kim Chiu matapos ibuking ni Vice Ganda na konting kibot daw naiiyak si Kim Chiu. Sa kanilang pag-uusap sa episode ng It's Showtime, pinuna ni Vice ang naging reaksiyon ni Kim sa kanyang pagkukuwento. Hirit naman ni Vhong Navarro, nagiging baka daw si Kim. Tawang-tawa naman si Kim sa mga hirit na ito ng kanyang mga co-hosts.

Read also

Michelle Dee: "For Q and A, sayang hindi ako nakahawak ng mic"

Kinaaliwan din ang biruan nina Vice Ganda at Jhong Hilario sa Isip Bata segment ng It's Showtime. Pabirong sinabi ni Vice Ganda sa madlang people na i-mass report si Jhong. Tawang-tawa naman silang mga host sabay sabi ni Jhong na na-block na nga daw siya ng Facebook. Matatandaang naging biruan nila ito simula nang matanggal ang Facebook page ni Rendon Labador dahil daw sa pag-mass report.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel