Anne Curtis, nakatanggap ng mensahe mula sa ini-endorsong food chain: "Best friends pa rin tayo!"

Anne Curtis, nakatanggap ng mensahe mula sa ini-endorsong food chain: "Best friends pa rin tayo!"

- Sinagot ni Anne Curtis ang mensahe mula sa fastfood chain endorsement sa gitna ng kontrobersiya

- Nagpakita pa rin ng suporta sa kanyang ang naturang brand at sinabing bestfriends pa rin daw sila

- Matatandaang agad na nag-sorry si Anne nang mabanggit niya ang tag line ng kakumpitensiyang food chain na ini-endorso ni Vice Ganda

- Marami ang hindi natuwa sa joke ni Vice sa kanya na naging dahilan para mabanggit niya ang naturang tag line

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakatanggap si Anne Curtis ng mensahe ng pagsuporta mula sa kanyang ini-endorsong food chain. Ito ay sa kabila ng paghingi niya ng dispensa dahil nabanggit niya ang tag line ng kakumpitensiya nitong food chain na ini-endorso ni Vice Ganda.

Anne Curtis, nakatanggap ng mensahe mula sa ini-endorsong food chain: "Best friends pa rin tayo!"
Anne Curtis, nakatanggap ng mensahe mula sa ini-endorsong food chain: "Best friends pa rin tayo!" (@annecurtissmith)
Source: Instagram

Sinagot ni Anne ang post ng X account ng kanyang ini-endorsong food chain na nagsasabing bestfriends pa rin daw sila at mahal nila si Anne.

Read also

Vice Ganda, nag-sorry sa joke kay Anne Curtis: "I put Anne in an uncomfortable situation"

Nagpasalamat naman si Anne at naghayag din ng kanyang pagmamahal sa kanila.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Anne Curtis-Smith, o mas kilala sa pangalang Anne Curtis, ay isang kilalang artista, host, at recording artist sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Ipinanganak noong Pebrero 17, 1985, sa Yarrawonga, Victoria, Australia, si Anne ay may lahing Filipino at Australian. Nagsimula si Anne Curtis bilang isang commercial model bago pumasok sa mundo ng pag-arte.

Matapos ang pamamalagi sa Australia dahil sa kanyang panganganak at dahil na rin sa pandemya, Pebrero lamang ng kasalukuyang taon umuwi ang mag-anak. Kamakailan lang ay nagbakasyon sa Boracay sina Anne kasama ang anak na si Dahlia at si Solenn Heussaff kasama naman si Thylane. Naging usap-usapan ang mga litrato ni Anne na kuha sa tabing dagat.

Matatandaang marami ang naaliw sa binahaging video ni Erwan sa kanyang Instagram post. Ito umano ang inihanda sana nilang sorpresa ng anak niyang si Dahlia Amelie Heussaff para sa Mother's Day video nila para kay Anne. Ani Erwan, kakanta sana silang mag-ama ngunit hindi nila iyon natapos dahil sa pangungulit ng anak. Hindi naman napigilan ni Erwan na matawa sa anak at maging ang mga netizens ay aliw na aliw sa cute at bibong anak nila Anne at Erwan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel