Ivana Alawi, sinabing nicest person sa GMA si Barbie Forteza: "Hindi ko siya malilimutan"

Ivana Alawi, sinabing nicest person sa GMA si Barbie Forteza: "Hindi ko siya malilimutan"

- Si Barbie Forteza ang nabanggit ni Ivana Alawi bilang "nicest person sa GMA"

- Ayon kay Ivana, marami noon ang nagmaldita sa kanya subalit iba ang pinakitang kabaitan ni Barbie

- Kaya naman hindi kataka-taka kung bakit daw blessed ang Kapuso actress dahil sa kabutihan ng puso nito

- Bukod sa pag-aartista, kilala rin si Ivana bilang isa sa mga sikat na content creator sa bansa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi raw umano makakalimutan ni Ivana Alawi ang kabaitan ng Kapuso actress na si Barbie Forteza.

Ivana Alawi, sinabing nicest person sa GMA si Barbie Forteza: "Hindi ko siya malilimutan"
Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Instagram

Sa kanyang pinakabagong vlog, natanong si Ivana kung sino para sa kanya ang 'nicest' person na umano'y nakatrabaho niya noon sa GMA.

"Ay si Barbie Forteza, hindi ko siya malilimutan. Maraming nagmamaldita sa'king nung nagsa-start ako sa GMA as in maraming masusungit. Ayaw tayong bigyan ng pwesto, ayaw kaming bigyan ng pagkain tapos sinusungitan kaming mag-ina. Basta marami, and then ang pinakamabait sa akin na hindi ko makakalimutan hindi ko pa siya nakakausap after, si Barbie Forteza," paliwanag ni Ivana.

Read also

Pambansang Kolokoy, nilinaw na kailanma'y 'di naisama sa picture o video ang bagong partner

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Kaya super blessed niya kasi she really has a good heart," dagdag pa nito.

Matatandaang kamakailan lang ay marami rin ang pumuri kay Barbie Forteza sa mahusay na pagganap niya bilang si 'Klay' sa teleseryeng Maria Klara at Ibarra sa GMA. Isa rin siya sa pambatong aktres ng Kapuso network.

Si Ivana Alawi ay isang actress, model, content creator at CEO sa Pilipinas. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 16.6 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Marami ang naaaliw sa vlog ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating kapos-palad.

Read also

Ivana, naikwentong may umaway umano sa kanya sa isang recent show

Lalong-lalo na noong kasagsagan ng pandemya, isa si Ivana na bagama't nag-iingat na hindi magkaroon ng COVID-19, gumagawa pa rin siya ng paraan para makatulong sa mga kababayang labis na naaapektuhan sa pamamagitan ng pamimigay ng mga pagkain, pera at iba pa nilang pangangailangan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags: