Ivana, naikwentong may umaway umano sa kanya sa isang recent show

Ivana, naikwentong may umaway umano sa kanya sa isang recent show

- Nabanggit ni Ivana Alawi na mayroon umanong artista na umaaway sa kanya sa kanilang recent show

- Gayunpaman, hindi raw ito pinatulan ni Ivana gayung hindi umano siya nakikipag-away

- Nabanggit din niyang marami ang nagmaldita na sa kanya sa pag-uumpisa pa lamang niya noon sa GMA

- Subalit hindi naman daw matatawaran ang kabaitan at kabutihan ng puso ni Barbie Forteza

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mga tanong na sinagot ni Ivana Alawi sa kanyang pinakabagong vlog ay kung may nakaaway na ba ito na kapwa niya artista.

Ivana, naikwentong may umaway umano sa kanya sa isang recent show
Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Instagram

Ani Ivana, nangyari lamang ito sa pinakahuling show na kanyang nagawa.

"Merong umaway sa'kin pero never akong nakipag-away sa kanila. Hindi ko pinapatulan. Meron din sa recent show namin. Pero alam mo yun, I will not stoop down to your level. Kung gusto mong makipag-away mag-isa ka. Pero hindi ko siya kakausapin. Hindi ko rin pa-plastikin"

Read also

Mona Alawi, sa naging kondisyon: "Pwedeng magkaroon ng complications sa brain"

Naikwento rin niya na marami na rin talaga ang namalditahan siya lalo na iyong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Subalit nabanggit din niya na ang 'nicest person' na kanyang maituturing lalo na sa GMA ay ang aktres na si Barbie Forteza. Aniya, hindi kataka-taka kung bakit kabi-kabila ang biyayang natatanggap ni Barbie dahil sa kabutihan umano ng kanyang puso.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Ivana mula sa kanyang YouTube channel:

Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 16.6 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Marami ang naaaliw sa vlog ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating kapos-palad.

Read also

Ivana, nabanggit kung magkano ang kita sa vlog: "Baka isipin niyo nagyayabang"

Samantala, kamakailan ay labis naman niyang napasaya ang kanyang ina nang magpunta sila sa Paris, France. Kitang-kita ang kasiyahan ni Mama Alawi na talagang dream destination para umano masilayan ang Eiffel tower. Sa naturang vlog rin makikita ang ilang behind the scenes ng photoshoot ni Ivana sa France na pawang isa ring Pinoy ang photographer.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel