Ivana, nabanggit kung magkano ang kita sa vlog: "Baka isipin niyo nagyayabang"

Ivana, nabanggit kung magkano ang kita sa vlog: "Baka isipin niyo nagyayabang"

- Nabanggit ni Ivana Alawi kung magkano umano ang kinikita niya sa kada vlog niyang inilalabas

- Dahil sa marami umanong nagtatanong, binigyan ni Ivana ng ideya ang mga manonood

- Ayaw niya sana itong sabihin dahil baka isipin naman ng iba na siya'y nagyayabang

- Binigyang diin ni Ivana na siya naman umano'y nagbabayad ng buwis

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa kauna-unahang pagkakataon, nabanggit ni Ivana Alawi ang umano'y halaga ng kanyang kinikita sa pagba-vlog.

Ivana, nabanggit kung magkano ang kita sa vlog: "Baka isipin niyo nagyayabang"
Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Instagram

Isa umano ito sa mga natanong kay Ivana sa pinakabagong video sa kanyang YouTube channel.

"Usually may 200,000... 300,000... 400,000... 500,000. Pero guys nagbabayad naman ako ng tax. BIR kumusta you? Nagbabayad talaga ako ng tax kaya wala akong kinakatakot," ani Ivana.

Gayunpaman, aminado siyang ayaw niya sana itong sabihin.

Read also

Pambansang Kolokoy, nilinaw na kailanma'y 'di naisama sa picture o video ang bagong partner

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Pero hindi ko alam kung gusto kong i-disclose baka isipin niyo nagyayabang... hindi!. Pero dahil tinatanong niyo nang tinatanong ayan okay."

Isa si Ivana sa mga popular na vlogger sa bansa. Sa ngayon may 16.6 million subscribers na siya sa YouTube kaya naman ganoon na lamang ang pagtataka ng publiko kung magkano na nga ba ang kinikita niya bilang isa siya sa may mga pinakamaraming subscribers sa bansa.

Si Ivana Alawi ay isang actress, model, content creator at CEO ng 'Ivana Skin' sa Pilipinas. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 16.6 million ang kanyang mga YouTube subscribers at hindi pa kabilang dito ang mga followers niya sa iba pang mga social media platforms.

Read also

Ivana, naikwentong may umaway umano sa kanya sa isang recent show

Marami ang naaaliw sa vlog ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating kapos-palad.

Lalong-lalo na noong kasagsagan ng pandemya, isa si Ivana na bagama't nag-iingat na hindi magkaroon ng COVID-19, gumagawa pa rin siya ng paraan para makatulong sa mga kababayang labis na naaapektuhan sa pamamagitan ng pamimigay ng mga pagkain, pera at iba pa nilang pangangailangan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel