Kylie Padilla, laughing emoji ang bwelta sa nagsabing siya ang unang 'lumandi'

Kylie Padilla, laughing emoji ang bwelta sa nagsabing siya ang unang 'lumandi'

- Sinagot ni Kylie Padilla ang isang netizen na nagkomento sa kanyang Instagram post

- Sa naturang Instagram post ay binahagi ni Kylie ang isang video na kuha sa kanyang pamamasyal sa Thailand

- Ayon sa komento ng naturang netizen, sinabi niyang totoo raw pala ang sinabi noon ni Aljur na si Kylie ang unang 'lumandi'

- Tanging laughing emoji ang sagot ni Kylie sa naturang komento

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi pinalampas ni Kylie Padilla ang isang netizen na nagkomento sa kanyang binahaging video na kuha sa Thailand. Ayon sa komento ng naturang netizen, sinabi niyang totoo raw pala ang sinabi noon ni Aljur na si Kylie ang unang 'lumandi.'

Kylie Padilla, laughing emoji ang bwelta sa nagsabing siya ang unang 'naglandi'
Kylie Padilla, laughing emoji ang bwelta sa nagsabing siya ang unang 'naglandi' (@kylienicolepadilla)
Source: Instagram

Hindi na nag-abala pang magpaliwanag si Kylie at tanging laughing emoji ang sagot ni Kylie sa naturang komento. Marami din sa mga netizens ang nagtanggol kay Kylie at nagsabing deserve umano ni Kylie na maging masaya.

Read also

Melai Cantiveros, umabot sa mahigit 4M views ang human drone video sa TikTok

Kylie Padilla, laughing emoji ang bwelta sa nagsabing siya ang unang 'naglandi'
Kylie Padilla, laughing emoji ang bwelta sa nagsabing siya ang unang 'naglandi' (@kylienicolepadilla)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang sa kanyang mga Instagram posts nitong mga nakaraang araw ay binahagi ni Kylie ang kanyang pamamasyal sa Thailand kasama ang isang lalaki na hindi pa niya pormal na pinapakilala. Gayunpaman, makikita sa isang bahagi ng video na magkahawak sila ng kamay.

Dahil sa kanyang post ay may mga netizens na bumatikos sa kanya. Gayunpaman, nauna nang sinabihan ni Kylie ang kanyang mga supporters sa isang tweet na hayaan na lang ang kanyang mga bashers.

Si Kylie Padilla ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap sa ilang serye sa telebisyon kagaya ng Joaquin Bordado, The Good Daughter at Adarna. Isa sa pinakasumikat na seryeng kanyang ginawa ay ang Encantadia noong 2016 kung saan gumanap siya bilang si Sang’gre Amihan. Nagmula siya sa prominenteng angkan ng mga Padilla na kilala sa mundo ng showbiz.

Read also

Mommy Carmen, nag-post ng mga nakakakilig na videos nila ng boyfriend niya

Matatandaang naunang lumabas ang balitang nagkakaproblema sina Kylie at asawa nitong si Aljur Abrenica. Matagal na nanatiling tahimik si Kylie kaugnay sa isyu ngunit sa isang panayam ay inamin ni Aljur na sinusubukan nilang ayusin ang kanilang pagsasama.

Hindi na nila naayos ang kanilang problema at naibahagi ni Robin Padilla sa isang panayam na hiwalay na sina Kylie at Aljur at inamin din nitong 3rd party ang dahilan. Kinalaunan ay lalong naging kontrobersiyal ang paghihiwalay nila nang maglabas ng pahayag si Aljur sa pamamagitan ng isang Facebook post.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel