Mommy Carmen, nag-post ng mga nakakakilig na videos nila ng boyfriend niya

Mommy Carmen, nag-post ng mga nakakakilig na videos nila ng boyfriend niya

- Binahagi ni Mommy Carmen sa kanyang TikTok account ang ilang videos kung saan kasama niya ang kanyang boyfriend

- Nobyembre nitong taon nang ibahagi niya ang kanilang pagkikita matapos ang umano'y isang taong long distance relationship

- Sa isang video ay nagbigay pa ng mensahe sina Anne at Jasmin Curtis sa kaarawan ng karelasyon ng kanilang ina

- Naibahagi din ni Mommy Carmen ang video ng pagkikita ng boyfriend niya at ng mga anak niyang sina Jasmin at Thomas

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Masayang-masaya si Mommy Carmen sa mga video na kanyang binahagi sa TikTok kung saan kasama niya ang kanyang boyfriend. Nobyembre nitong taon nang ibahagi niya ang kanilang pagkikita matapos ang umano'y isang taong long distance relationship.

Mommy Carmen, nag-post ng mga nakakakilig na videos nila ng boyfriend niya
Mommy Carmen, nag-post ng mga nakakakilig na videos nila ng boyfriend niya (@annecurtissmith)
Source: Instagram

Naibahagi din ni Mommy Carmen ang video ng pagkikita ng boyfriend niya at ng mga anak niyang sina Jasmin at Thomas.

Read also

Ian de Leon, nagdiwang ng pasko kasama ang inang si Nora Aunor

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa isang video ay nagbigay pa ng mensahe sina Anne at Jasmin Curtis sa kaarawan ng karelasyon ng kanilang ina.

Para naman sa mga tagahanga ni Mommy Carmen, masaya silang makita na may nagmamahal at masaya ito. Isang netizen pa ang nagsabing matagal naman na silang magkahiwalay ng dating asawa at kinumpirma naman ito ni Mommy Carmen sa comment section.

Si Anne Curtis Smith- Heussaff ay isang aktres, TV host, recording artist, commercial model at product endorser. Kabilang sa mga sumikat niyang mga teleserye ay Kampanerang Kuba, Dyosa at Mars Ravelo's Dyesebel.

Matapos ang pamamalagi sa Australia dahil sa kanyang panganganak at dahil na rin sa pandemya, Pebrero lamang ng kasalukuyang taon umuwi ang mag-anak. Kamakailan lang ay nagbakasyon sa Boracay sina Anne kasama ang anak na si Dhalia at si Solenn Heussaff kasama naman si Thylane. Naging usap-usapan ang mga litrato ni Anne na kuha sa tabing dagat.

Read also

Andrew Schimmer, binalikan ang videoke bonding nila noon ni Jho isang araw bago ito ilibing

Matatandaang marami ang naaliw sa binahaging video ni Erwan sa kanyang Instagram post. Ito umano ang inihanda sana nilang sorpresa ng anak niyang si Dahlia Amelie Heussaff para sa Mother's Day video nila para kay Anne. Ani Erwann, kakanta sana silang mag-ama ngunit hindi nila iyon natapos dahil sa pangungulit ng anak. Hindi naman napigilan ni Erwann na matawa sa anak at maging ang mga netizens ay aliw na aliw sa cute at bibong anak nila Anne at Erwan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel