Andrew Schimmer, binalikan ang videoke bonding nila noon ni Jho isang araw bago ito ilibing

Andrew Schimmer, binalikan ang videoke bonding nila noon ni Jho isang araw bago ito ilibing

- Ibinahagi ni Andrew Schimmer ang videoke bonding nila noon ng fiancee na si Jho Rovero

- Inaalayan niya ito ng awiting 'Maging sino ka man' na orihinal na kinanta ni Rey Valera

- Disyembre 20 nang tuluyan nang mamaalam si Jho na isang taon ding nilabanan ang kanyang karamdaman

- Nakatakda itong ihatid sa huli niyang ng hantungan, Disyembre 30 sa Bulacan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tila mas lalong nagiging emosyonal si Andrew Schimmer isang araw bago ang petsa ng libing ng fiancée niyang si Jorhomy 'Jho' Rovero.

Andrew Schimmer, binalikan ang videoke bonding nila noon ni Jho isang araw bago ito ilibing
Andrew Schimmer at Jho Rovero (John Andrew Schimmer)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ibinahagi nito ang dating naging videoke bonding session nila ni Jho.

Inaawitan niya ito ng 'Maging sino ka man' na orihinal na kinanta ni Rey Valera.

Kitang-kita kung gaano ka-sweet ng dalawa sa isa't isa kaya naman hindi nakapagtataka ang paraan ng pag-aalaga ni Andrew kay Jho kahit na ito'y isang taong nakaratay sa ospital.

Read also

Mga anak ni Andrew Schimmer, dinalaw ang kanilang mommy ngayong bagong taon

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kanyang post, may caption ang video ng 'For you my love,' kasama ng mga hearts at maging crying emoji.

Disyembre 20 nang emosyonal na kinumpirma ni Andrew ang pagpanaw ni Jho, isang taon matapos itong malagak sa ospital.

Mas lalong nadagdagan ang kanilang kalungkutan dahil ito rin ang kaarawan ng bunso nilang anak na si Xander.

Dahil dito, nag-birthday si Xander sa burol ng kanyang Mommy Jho. Wala raw itong ibang birthday wish kundi makasama muli ang kanyang Mommy.

Si Andrew Schimmer ay isang aktor at modelo sa bansa na muling napag-usapan sa social media nang buong tapang itong humingi ng saklolo para sa pagpapagamot sa misis na nagkaroon ng asthma attack na kalauna'y sinundan ng brain hypoxia noong Nobyembre 2021. Mahigit isang taon din iton nakipaglaban sa kanyang naging karamdaman.

Read also

Andrew Schimmer, paiimbestigahan pa rin ang naging nutritionist ni Jho Rovero

Kamakailan, tila nagpahiwatig si Andrew ng kasal kay Jho nang ipakita niya ang larawan ng singsing at ilang emojis na patungkol sa kasalan.

Ilan minuto bago nga kinumpirma ni Andrew ang pagpanaw ng misis, ibinahagi muna niya ang larawan ng kanilang mga kamay na mayroong couple rings.

Sa isang video habang ipinagdarasal ang ina, nabanggit ni Xander ang labis na kalungkutan ng amang si Andrew. Dahil dito, sinisikap niya umano itong patawanin gayundin ang mga mahal nila sa buhay na labis na nalulungkot sa pagkawala ng kanyang Mommy Jho.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel