Mga anak ni Andrew Schimmer, dinalaw ang kanilang mommy ngayong bagong taon

Mga anak ni Andrew Schimmer, dinalaw ang kanilang mommy ngayong bagong taon

- Dinalaw ng mga anak ni Andrew Schimmer ang kanilang Mommy na si Jho Rivero sa puntod nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Sa Facebook story ng Facebook page nilang The Schimmers, makikita ang magkapatid sa tabi ng puntod ng kanilang mommy

- Nakalagay naman ang mga salitang "New Year with Mommy" sa binahaging picture

- Marami ang naantig at nalungkot lalo na para sa mag-aamang naiwan ni Jho na nagdiwang ng pasko at bagong taon na hindi nila kasama si Jho

Dumalaw ang mga anak ni Andrew Schimmer na sina Andrea at Xander sa puntod ng kanilang Mommy na si Jho Rovero. Nakalagay naman ang mga salitang "New Year with Mommy" sa binahaging picture ng magkapatid.

Mga anak ni Andrew Schimmer, dinalaw ang kanilang mommy ngayong bagong taon
Mga anak ni Andrew Schimmer, dinalaw ang kanilang mommy ngayong bagong taon (@facebook.com/johnandrew.schimmer)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Andrew Schimmer, nakatakda pa umanong ikasal kay Jho isang araw matapos itong pumanaw

Matapos nga pumanaw ni Jho nitong Disyembre ay marami ang nakiramay sa mag-aamang Andrew, Andrea at Xander. Marami ang naantig at nalungkot lalo na para sa mag-aamang naiwan ni Jho na nagdiwang ng pasko at bagong taon na hindi nila kasama si Jho.

Nitong Biyernes, December 30, 2022 ay hinatid na sa huling hantungan ang ina ng mga anak ni Andrew na matagal ding nakipaglaban para sa kanyang buhay. 34 taong gulang ang misis ni Andrew nang bawian ito ng buhay nitong December 20, 2022 matapos nitong ma-coma. Naiuwi pa ito ni Andrew sa kanilang bahay matapos ang halos isang taon na pagkakaospital sanhi ng cardiac arrest at severe hypoxemia.

Mga anak ni Andrew Schimmer, dinalaw ang kanilang mommy ngayong bagong taon
Mga anak ni Andrew Schimmer, dinalaw ang kanilang mommy ngayong bagong taon (@facebook.com/helpjorhomytorecover)
Source: Facebook

Si Andrew Schimmer ay isang aktor sa Pilipinas na sinilang noong June 10, 1986 sa Manila, Philippines. Ilan sa mga sumikat na pelikulang kinabilangan niya ay Babangon Ako't Dudurugin Kita (2008), Gagamboy (2004) at Resiklo (2007).

Matatandaang humingi ng tulong si Andrew sa mga kasamahan niya sa showbiz at maging sa netizens para sa kanyang misis na si Jorhomy “Jho” Rovero. Nakaranas ng matinding asthma attack si Jho na nagresulta sa cardiac arrest at brain hypoxia. Dahil sa nangyari ay nasa ICU ng St. Luke’s Medical Center in Bonifacio Global City, Taguig City ang asawa niya at malaki na ang kanilang bayarin.

Read also

Jorhomy “Jho” Rovero, naihatid na sa kanyang huling hantungan

Nagdala ng bulaklak ang anak ni Andrew na si Xander para sa kanyang mommy na si Jho. Aniya, pink at white ang pinili niyang bulaklak dahil alam niyang gusto ng mommy niya ang ganoong kulay ng bulaklak. Ito umano ang Christmas gift niya para sa kanyang mommy. Marami ang naantig sa video na ito kung saan kinakausap ni Xander ang kanyang mommy.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel