Bunsong anak ni Andrew Schimmer, dinalhan ng bulaklak ang mommy niya

Bunsong anak ni Andrew Schimmer, dinalhan ng bulaklak ang mommy niya

- Nagdala ng bulaklak ang anak ni Andrew Schimmer na si Xander para sa kanyang mommy na si Jho Rovero

- Aniya, pink at white ang pinili niyang bulaklak dahil alam niyang gusto ng mommy niya ang ganoong kulay ng bulaklak

- Ito umano ang Christmas gift niya para sa kanyang mommy

- Marami ang naantig sa video na ito kung saan kinakausap ni Xander ang kanyang mommy

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Marami ang naantig sa anak ni Andrew Schimmer na si Xander nang magdala ito ng bulaklak bilang Christmas gift niya umano sa kanyang mommy. Aniya, pink at white ang pinili niyang bulaklak dahil alam niyang gusto ng mommy niya ang ganoong kulay ng bulaklak.

Bunsong anak ni Andrew Schimmer, dinalhan ng bulaklak ang mommy niya
Bunsong anak ni Andrew Schimmer, dinalhan ng bulaklak ang mommy niya (@facebook.com/johnandrew.schimmer)
Source: Facebook

Muli ay inulit nito kung gaano niya kamahal at na-miss ang kanyang mommy. Binahagi niyang, hindi tinanggap ng nagtitinda ng bulaklak ang kanyang pambayad.

Read also

Andrew Schimmer, labis na naghihinagpis at nagungulila sa kanyang asawa

Aniya, balang-araw ay makakasama niya rin ang kanyang mommy. Marami ang naantig sa video na ito:

It’s heart breaking watching Xander. Mahal na mahal niya Mummy niya. Wala siyang kamuwang muwang na sobrang sakit ang pagkawala ng Mummy niya. My heart goes to Andrew and his two kids.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Paano nya mauunawaan ang huling sandali na kahit kailan di nya na makikita ang kanyang Ina
Ang naiisip siguro ni Xander ntutulog lang mommy nya kagaya lang ng nasa ospital, nkakaiyak naman.

Si Andrew Schimmer ay isang aktor sa Pilipinas na sinilang noong June 10, 1986 sa Manila, Philippines. Ilan sa mga sumikat na pelikulang kinabilangan niya ay Babangon Ako't Dudurugin Kita (2008), Gagamboy (2004) and Resiklo (2007).

Samantala, sa isang video ay hindi napigilang maiyak ni Andrew sa mensahe ng kanyang dalawang anak na sina Andrea at Sandro Schimmer. Ito ay nang mag-guest siya sa programang "Moments" sa Net 25 na kung saan si Gladys Reyes ang host. Ayon sa mga anak niya, sana ay magpahinga din si Andrew at alagaan nito ang sarili niya para maalagaan niya ang kanilang mommy. Alam umano nila na kung makakapagsalita ang mommy nila ay gusto din nitong magpahinga din ang ama nila.

Read also

Bunsong anak ni Andrew Schimmer, nagpapalakas sa amang nilarawan niyang "really sad"

Ibinahagi ng Facebook page na 'The Schimmers' kung paano nag-birthday si Xander, ang bunsong anak nina Andrew at namayapang si Jho Rovero. Matatandaang kaarawan umano ni Xander noong Disyembre 20 kung kailan pumanaw ang kanyang ina. Sa video, makikitang nag-blow ng candles ang siyam na taong gulang na si Xander - Wala itong ibang hiling kundi ang makasama muli ang ina at makitang nasa maayos na itong kalagayan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel