Andrew Schimmer, labis na naghihinagpis at nagungulila sa kanyang asawa

Andrew Schimmer, labis na naghihinagpis at nagungulila sa kanyang asawa

- Binahagi ni Andrew Schimmer ang video ng kanyang misis na si Jho Rovero noong hindi pa ito na-coma

- Hindi napigilang maglabas ni Andrew ng kanyang saloobin sa nangyari

- Hiling niya ay sana magising na siya kung panaginip man ang lahat

- Bumuhos naman ang pakikiramay at mensahe upang palakasin ang loob ng aktor

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-post si Andrew Schimmer ng video ng kanyang maybahay na si Jho Rovero. Kuha ito noong hindi pa na-coma ang kanyang asawa.

Andrew Schimmer, labis na naghihinagpis at nagungulila sa kanyang asawa
Andrew Schimmer, labis na naghihinagpis at nagungulila sa kanyang asawa (@facebook.com/johnandrew.schimmer)
Source: Facebook

Ani Andrew, sana ay magising na siya kung panaginip lang lahat ang mga nangyayari sa kanya. Aniya, lagi siyang mag-aantay sa pag-uwi ng kanyang asawa.

I miss you my Love… Hindi ko na alam kung pano ko to dadalhin sa puso ko you are my Life plsssss if this is a dream, wake me up! I’m dying uwi ka na po mami please I will wait. I will always wait

Read also

Ina ni Jho Rovero, emosyonal sa naging birthday wish ng kanyang apo

Bumuhos naman ang pakikiramay at mensahe upang palakasin ang loob ng aktor at ng mga naiwang mahal sa buhay ni Jho.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Andrew Schimmer ay isang aktor sa Pilipinas na sinilang noong June 10, 1986 sa Manila, Philippines. Ilan sa mga sumikat na pelikulang kinabilangan niya ay Babangon Ako't Dudurugin Kita (2008), Gagamboy (2004) and Resiklo (2007).

Samantala, sa isang video ay hindi napigilang maiyak ni Andrew sa mensahe ng kanyang dalawang anak na sina Andrea at Sandro Schimmer. Ito ay nang mag-guest siya sa programang "Moments" sa Net 25 na kung saan si Gladys Reyes ang host. Ayon sa mga anak niya, sana ay magpahinga din si Andrew at alagaan nito ang sarili niya para maalagaan niya ang kanilang mommy. Alam umano nila na kung makakapagsalita ang mommy nila ay gusto din nitong magpahinga din ang ama nila.

Read also

Andrew Schimmer: "I’m sorry…but I hate Christmas, and I don’t think I will ever like it again"

Ibinahagi ng Facebook page na 'The Schimmers' kung paano nag-birthday si Xander, ang bunsong anak nina Andrew at namayapang si Jho Rovero. Matatandaang kaarawan umano ni Xander noong Disyembre 20 kung kailan pumanaw ang kanyang ina. Sa video, makikitang nag-blow ng candles ang siyam na taong gulang na si Xander - Wala itong ibang hiling kundi ang makasama muli ang ina at makitang nasa maayos na itong kalagayan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel