Bunsong anak ni Andrew Schimmer, nag-birthday sa burol ng kanyang Mommy Jho

Bunsong anak ni Andrew Schimmer, nag-birthday sa burol ng kanyang Mommy Jho

- Ibinahagi ng Facebook page na 'The Schimmers' kung paano nag-birthday si Xander ang bunsong anak nina Andrew Schimmer at namayapang si Jho Rovero

- Matatandaang kaarawan umano ni Xander noong Disyembre 20 kung kailan pumanaw ang kanyang ina

- Sa video, makikitang nag-blow ng candles ang siyam na taong gulang na si Xander

- Wala itong ibang hiling kundi ang makasama muli ang ina at makitang nasa maayos na itong kalagayan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Umantig sa puso ng maraming netizens ang video ni Xander, ang bunsong anak nina Andrew Schimmer at namayapa na nitong fiancee na si Jorhomy "Jho" Rovero.

Bunsong anak ni Andrew Schimmer, nag-birthday sa burol ng kanyang Mommy Jho
Si Xander, ang bunsong anak ni Andrew Schimmer at ng namayapang misis na si Jho Rovero (The Schimmers)
Source: Facebook

Matatandaang nang kumpirmahin ni Andrew ang pagpanaw ng kanyang misis, mas lalo itong napahagulhol nang sabihin iyon din ang araw ng kaarawan ng kanilang bunsong anak. Hindi na rin daw umano nito inabot na buhay ang kanyang ina.

Read also

Megan Young, napamura matapos pagtripan ng mister na si Mikael Daez

Nalaman ng KAMI na sa burol ni Jho sa Bulacan, nag-blow ng birthday candles si Xander na ngayong siyam na taong gulang na.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Wala itong ibang hiling kundi ang makasama muli na maayos ang kondisyon ng kanyang ina.

"I want to see Mommy again"
"I love you and I miss you"
"I always wanted to spend more time with you Mommy"
"Mommy... It's my Birthday today"
"Someday we will see each other again"

"We will keep making you proud every single day Mommy," ang ilan sa mga nasambit ni Xander habang nasa tabi ng labi ng kanyang ina.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Facebook page nilang The Schimmers:

Si Andrew Schimmer ay isang aktor at modelo sa bansa na muling napag-usapan sa social media nang buong tapang itong humingi ng saklolo para sa pagpapagamot sa misis na nagkaroon ng asthma attack na kalauna'y sinundan ng brain hypoxia noong Nobyembre 2021.

Read also

Detalye ng burol ni Jho Rovero, ibinahagi ng kanyang ina

Kamakailan, tila nagpahiwatig si Andrew ng kasal kay Jho nang ipakita niya ang larawan ng singsing at ilang emojis na patungkol sa kasalan.

Ilan minuto bago nga kinumpirma ni Andrew ang pagpanaw ng misis, ibinahagi muna niya ang larawan ng kanilang mga kamay na mayroong couple rings.

Samantala, isang buwan lamang halos ang nakalilipas nang ialay naman ni Andrew kay Jho ang natanggap niyang Asia's Most Inspiring actor and Model of the Year mula sa 6th Asia-Pacific Luminare Award na ginanap noong Nobyembre 23 sa Okada, Manila. Dumiretso talaga siya sa ospital upang ihandog ito kay Jho.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel