Megan Young, napamura matapos pagtripan ng mister na si Mikael Daez

Megan Young, napamura matapos pagtripan ng mister na si Mikael Daez

- Natawa si Mikael Daez matapos niyang mapagtripan ang misis na si Megan Young

- Sa kanilang binahaging video na kuha sa Utah, makikitang nabigla si Megan nang biglang nahulog ang snow sa ulo niya

- Ani Mikael natuwa siya sa pinong snow kaya niya tinalon ang naipong nyebe sa bubong at tumama nga ito sa ulo ni Megan

- Naka-bleep ang salitang nabanggit ni Megan matapos mabigla sa ginawa ni Mikael

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan ang mag-aswang Megan Young at Mikael Daez matapos nila ibahagi ang video nila sa Utah kung saan napagtripang biruin ni Mikael ang misis. Ani Mikael natuwa siya sa pinong snow kaya niya tinalon ang naipong nyebe sa bubong at tumama nga ito sa ulo ni Megan.

Megan Young, napamura matapos pagtripan ng mister na si Mikael Daez
Megan Young, napamura matapos pagtripan ng mister na si Mikael Daez (@meganbata)
Source: Instagram

Marami ang nakapansin sa naka-bleep na salitang nabanggit ni Megan dahil sa kanyang pagkabigla. Panay naman ang pag-sorry ni Mikael kay Megan habang tinatanggal ang snow sa buhok nito. Sa huling bahagi ng video ay makikitang gulo-gulo na ang buhok ng dating beauty queen. Gayunpaman, nagawa pa rin nitong tumawa.

Read also

Bea Alonzo, pinakita ang kanyang condo na pinagawa niyang office

Narito ang komento ng ilang netizens:

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Buti nalang nag censored. Muntik na magmura
Reveal naman ng uncensored video. Ang kulet pakinggan ni ma’am Boneezy.
Love how you’ve been saying sorry so many times while trying to appease her.☺️ Not much into pranks but this is kinda sweet pa din

Si Megan Lynne Young ay isang Filipino-American actress, model, television presenter at beauty queen na nanalo ng Miss World Philippines 2013 title at kinoronahan bilang Miss World 2013. Siya ang kauna-unahang Pinay na nakasungkit ng korona sa Miss World.

Sa kanilang bakasyon sa Subic, namasyal ang mag-asawang Megan Young at Mikael Daez. Sa kanilang pamamasyal ay nagkataon na nakita nila ang San Roque Chapel– ang lugar kung saan sila ikinasal noong 2020. Hindi nila pinalagpas ang pagkakataon at nag-picture sa harap ng chapel para mabalikan nila ang alaala ng kanilang muling pagbabalik sa lugar kung saan sila ikinasal.

Read also

Vice Ganda, nag-guest sa Sing Galing sa TV-5 para batiin si Ethel Booba sa kaarawan nito

Kamakailan ay ibinahagi ni Megan ang kanyang saloobin sa inanunsiyo ng Kpop group na BTS tungkol sa kanilang hiatus. Aniya, mananatili siyang magsusuporta at magpapatuloy siyang magiging fan ng BTS. Aniya, tapos na siyang umiyak at kinamusta niya ang kapwa niya 'armies' kaugnay sa nangyari sa Korean group.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel