Vice Ganda, nag-guest sa Sing Galing sa TV-5 para batiin si Ethel Booba sa kaarawan nito

Vice Ganda, nag-guest sa Sing Galing sa TV-5 para batiin si Ethel Booba sa kaarawan nito

- Nag-guest si Vice Ganda sa isang episode ng Sing Galing sa TV 5 para personal na batiin ang matalik na kaibigang si Ethel Booba

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Aniya, matagal na siyang sinasabihan ni Ethel na pasyalan naman daw niya si Ethel sa kanilang programa at sa tingin niya ay magandang dahilan para pumasyal ay ang kaarawan ng kaibigan

- Masayang sinalubong ng mga hosts ng naturang show si Vice na kinabilangan nina Donita Nose, Randy Santiago at K Brosas

- Matatandaang naging mga hurado din sa Tawag ng Tanghalan sa Its Showtime sina Randy at K

Binati ni Vice Ganda nang personal ang kaibigang si Ethel Booba sa kaarawan nito pamamagitan ng pagpunta niya sa programang Sing galing sa TV 5. Ani Vice, nais niyang gawing espesyal ang kanyang pagbati sa kaibigan kaya pumunta siya sa show nito.

Read also

Bea Alonzo, pinakita ang kanyang condo na pinagawa niyang office

Vice Ganda, nag-guest sa Sing Galing sa TV-5 para batiin si Ethel Booba sa kaarawan nito
Vice Ganda, nag-guest sa Sing Galing sa TV-5 para batiin si Ethel Booba sa kaarawan nito (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Masaya din siyang sinalubong ng mga co-hosts ni Ethel na sina Randy Santiago at K Brosas na pawang mga naging hurado din sa Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime. Anila, na-miss nila ang isa't-isa at masaya silang muli silang nagkita.

Naroroon din si Donita Nose at ang partner ni Ethel na si Chef Jessie.

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Read also

Vice Ganda, binati si Toni Gonzaga sa ginanap na MMFF Parade of Stars

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na sa kasalukuyan ay hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, kasalukuyang nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel