Bea Alonzo, pinakita ang kanyang condo na pinagawa niyang office

Bea Alonzo, pinakita ang kanyang condo na pinagawa niyang office

- Binahagi ni Bea Alonzo ang kanyang bagong office na mula sa kanyang condo na pinarenovate niya

- Isang virtual tour ang kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel kung saan inilibot niya ang kanyang viewers sa iba't-ibang bahagi ng pinagawang working space

- Sa nauna niyang vlog naibahagi niyang ito ang lugar kung saan pwede nilang gawin ang mga video niya sa YouTube

- Dito din umano niya babasahin at pag-aaralan ang mga script kung may gagawin siyang mga movie project

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinakita ni Bea Alonzo ang kanyang work space at mini office sa kanyang condo na kanyang pina-renovate. Isang virtual tour ang kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel kung saan inilibot niya ang kanyang viewers sa iba't-ibang bahagi ng pinagawang working space.

Bea Alonzo, pinakita ang kanyang condo na pinagawa niyang office
Bea Alonzo, pinakita ang kanyang condo na pinagawa niyang office (@beaalonzo)
Source: Instagram

Ani Bea, kaya niya naisipang gumawa ng working space para mayroon siyang lugar para sa kanyang trabaho. Aniya noong nag-pandemic, maging sa bahay niya umano ay nadadala niya ang trabaho.

Read also

Maureen Wroblewitz, sinabing siya ay 'healing from past trauma'

Marami sa mga viewers ni Bea ang nagustuhan ang pagkakaayos ng kanyang office:

So classy & modern,I love the colours of tiles too,for sure lots of people will have ideas now of what their house look like.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

I love your style - always so classy. It reflects on your personality ❤️you’re such a blessing to your family..
Very nice condo turn into working place, very comfortable tlgang mag work pag ganito kaganda ang working place.

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Para kay Bea, dapat ay magpaalam ang isang tao sa kanyang karelasyon kung iiwan man niya ito. Ito ang kanyang mensahe nang tanungin ni Francine Diaz sa kanyang YouTube vlog episode kung saan nakapanayam niya ang aktres. Naitanong kay Bea kung ano ang masasabi niya sa mga taong nang-go-ghost na agad namang sinagot ni Bea na mali iyon. Hirit naman ni Francine, para siyang nanonood ng pelikula sa mga binitawang salita ni Bea na aniya ay parang linyahan sa pelikula.

Read also

Caviteño na hindi umano naniniwala sa Lotto, wagi ng Php23 million sa Super Lotto

Umamin siyang naranasan niya ang tinatawag na pag-"drunk dial" sa kanyang ex ngunit isang beses lang umano ito nangyari. Agad din niyang sinabi na gusto niyang linawin na hindi ito ang kanyang pinakahuling ex. Aniya, naka-block na kaagad ang ex na ito kaya hindi mangyayari na matawagan niya ito nang lasing siya. Si Gerald Anderson ang pinakahuling ex-boyfriend ni Bea Alonzo na hindi lingid sa kaalaman ng publiko dahil sa kontrobersiyal na hiwalayan nila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel