Caviteño na hindi umano naniniwala sa Lotto, wagi ng Php23 million sa Super Lotto

Caviteño na hindi umano naniniwala sa Lotto, wagi ng Php23 million sa Super Lotto

- Isang mananaya mula sa Cavite ang pinalad na magwagi ng mahigit Php23 million sa Super Lotto 6/49

- Kwento nito, hindi na raw siya noon niniwala sa lotto ngunit naisipan niya ring tumaya

- Kaarawan at edad ng mahal niya sa buhay ang winning combination niya

- Komportableng sapatos ang una nitong nasa isip bilhin sa napakalaking premyo na kanyang napanalunan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isang residente ng General Trias, Cavite ang nag-claim ng halagang Php23, 971,499 sa Philippine charity Sweepstakes Office bilang premyo niya sa Super Lotto 6/49 draw.

Caviteño na hindi umano naniniwala sa Lotto, wagi ng Php23 million sa Super Lotto
Caviteño na hindi umano naniniwala sa Lotto, wagi ng Php23 million sa Super Lotto
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na ang residente na ito na taga-Cavite ay hindi noon naniniwala sa lotto.

"Before, I don’t believe in the lotto. Now, I can say it is true. I thank the Lord and of course, all the other people betting that made me also bet. I would like to thank PCSO. If it’s God's timing, it will happen to you," pahayag ng mananaya na naiulat ng News5.

Read also

Chito sa lagay ng kabandang si Gab; "Gabriel was diagnosed with lymphoma"

Kaarawan at edad ng kanyang mga mahal sa buhay ang winning combination ng bettor na ito na siyang naging dahilan ng pagiging instant milyonarya niya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon pa sa claimant, komportableng sapatos ang kanyang unang bibilhin gamit ang naturang jackpot prize.

Matatandaang dalawang araw bago ang Pasko noong 2022, isang mananaya rin ang nagwagi ng halagang Php114.32 million jackpot prize sa Megalotto 6/45.

Ayon sa Philippine Star, mag-isa lang ang claimant na ito na naging mas maligaya talaga ang Pasko at tiyak na naging maganda ang pasok ng taon.

Matatandaang napabalita rin ang isang pamilya na nasa Canada ang nanalo ng katumbas Php2.2 billion.

Noon namang 2020, nanalo ang isa rin nating kababayan sa UAE sa lotto roon gamit ang pinakahuling pera niya. Emosyonal nitong naibahagi ang kanyang kwento dahil hindi niya talaga inaasahan na ang kahuli-hulihan niyang salapi ang babago pala ng kanyang buhay.

Read also

Heart Evangelista at Chiz Escudero, magkasamang pumunta sa isang clinic

Samantala, napasayaw daw noon sa tuwa ang Filipino couple sa Canada na sina Liezl Panganiban and Edgar Ebreo nang manalo sa lotto ng halagang $675,000 o katumbas Php32.3 million.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nanalo ang mag-asawa sa lotto. Noong Setyembre ng 2020, una na silang pinalad sa Lotto 6/49 at nakatanggap na ng $500,000.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel