Heart Evangelista at Chiz Escudero, magkasamang pumunta sa isang clinic

Heart Evangelista at Chiz Escudero, magkasamang pumunta sa isang clinic

- Magkasama sina Heart Evangelista at Chiz Escudero na pumunta sa isang sikat na dermatology clinic na pinupuntahan ng mga sikat na personalidad

- Ito ang unang video na makikitang magkasama sila matapos ang paglabas ng balitang naghiwalay na sila

- Nauna nang nagpost si Heart ng picture nila na magkasama noong bagong taon

- Ikinatuwa ng mga netizen na makitang maayos ang mag-asawa matapos ang haka-hakang hiwalay na sila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Magkahawak-kamay pa sina Heart Evangelista at Chiz Escudero matapos ang kanilang appointment sa isang sikat na clinic. Sa ibinahaging Instagram reel ng Aivee Clinic, makikita ang mag-asawa na magkasamang dumating.

Heart Evangelista at Chiz Escudero, magkasamang pumunta sa isang clinic
Heart Evangelista at Chiz Escudero, magkasamang pumunta sa isang clinic (@iamhearte)
Source: Instagram

Ikinatuwa ng netizens na sa kabila ng matinding mga espikulasyon tungkol sa kanilang relasyon ay maayos sila. Matagal din na hindi nagbahagi ng picture o video si Heart na kasama niya si Chiz.

Read also

'Di pagpasok ni Celeste Cortesi sa Top 16, pagtatapos din ng Miss Universe streak sa bansa

Narito ang mga komento ng netizens:

Etong couple na to talaga ang walang kaek ekan. Walang pa presscon,what you see is what you get talaga!❤️ Isa sa favorite couple ko!

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sila ung married couple na hindi nakapublic ung private life nila as married couple. kung magkaproblema sila hallerr.. natural lang nmn un at di sila nagpapaapekto sa mga marites at marisol
Married people go through up’s and downs and it’s normal. The important thing is that they love each other sincerely. Nothing else matters.

Ikinasal si Heart Evangelista sa dating senador na si Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores. Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis.

Read also

Miss Universe 2022, pinasalamatan ang kanyang Filipino supporters

Matatandaang sa isang Instagram post ni Heart kung saan binahagi niya ang kanyang fashion style, bumuhos ang mga positibong komento. Marami ang napabilib sa talento at husay ni Heart pagdating sa kanyang pananamit. Gayunpaman, isang netizen ang nagkomento na nababaliw na daw ang aktres dahil wala itong anak. Hindi naman ito pinalampas ni Heart at hindi na nakasagot ang naturang basher matapos siyang kuyugin ng mga followers ni Heart.

Binahagi ni Heart Evangelista na nag-iipon siya para sa binabalak niyang pagbili ng tirahan sa Paris. Dahil sa kanyang trabaho lalo na sa kanyang pagdalo sa fashion week kaya niya naisipang bumili ng kanyang sariling matitirhan. Aniya, kung bibilangin ay malaki din ang ginagastos niya para sa kanyang accommodation sa tuwing pumupunta siya sa Paris. Matatandaang maraming pagkakataon na rin na naiimbitahan si Heart sa iba't-ibang fashion events sa ibang bansa kabilang na sa sikat na sikat na Fashion Week.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel