Bunsong anak ni Andrew Schimmer, nagpapalakas sa amang nilarawan niyang "really sad"

Bunsong anak ni Andrew Schimmer, nagpapalakas sa amang nilarawan niyang "really sad"

- Hinangaan ng marami ang katapangang ipinakikita ng bunsong anak ni Andrew Schimmer na si Xander

- Ito ay nang mapanood nila ang video ng second day ng burol ni Jorhomy Rovero

- Makikitang ikinuwento ni Xander ang kanilang kalagayan sa pagkawala ng kanyang Mommy Jho

- Doon, nabanggit ni Xander na labis ang pagkalungkot ng ama dahil sa pagpanaw ng kanyang ina

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Umantig sa puso ng marami ang pinakabagong video ng The Schimmers kung saan hinangaan ng marami ang katapangan ng bunsong anak ni Andrew Schimmer na si Xander.

Bunsong anak ni Andrew Schimmer na si Xander (The Schimmers)
Bunsong anak ni Andrew Schimmer na si Xander (The Schimmers)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na kuha ito sa ikalawang araw ng burol ni Jorhomy Rovero kung saan naibahagi ni Xander ang kanilang kalagayan sa pagkawala ng ina.

"We really want mom to be well again..." ang isa sa mga pahayag na nabanggit ni Xander.

Read also

Andrew Schimmer, labis na naghihinagpis at nagungulila sa kanyang asawa

Subalit mula mismo kay Xander, nasabi nito kung gaano kalungkot ang kanyang amang si Andrew.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"My dad is really sad... and I always tell jokes to make people laugh and my friends laugh," ani Xander na labis na hinangaan ng marami gayung tila ito ang nagpapatatag ng loob ng kanyang ama at ate na naulila ng kanilang Mommy Jho.

Matatandaang kaarawan ni Xander sa araw ng pagpanaw ng inang si Jho kaya naman ganoon na lamang ang lungkot ni Andrew nang kumpirmahin nito ang pamamayapa ng fiancee.

Si John Andrew Schimmer ay isang aktor at modelo sa bansa na muling napag-usapan sa social media nang buong tapang itong humingi ng saklolo para sa pagpapagamot sa misis na nagkaroon ng asthma attack na kalauna'y sinundan ng brain hypoxia noong Nobyembre 2021.

Read also

Ina ni Jho Rovero, emosyonal sa naging birthday wish ng kanyang apo

Kamakailan, tila nagpahiwatig si Andrew ng kasal kay Jho nang ipakita niya ang larawan ng singsing at ilang emojis na patungkol sa kasalan.

Ilan minuto bago nga kinumpirma ni Andrew ang pagpanaw ng misis, ibinahagi muna niya ang larawan ng kanilang mga kamay na mayroong couple rings.

Samantala, isang buwan lamang halos ang nakalilipas nang ialay naman ni Andrew kay Jho ang natanggap niyang Asia's Most Inspiring actor and Model of the Year mula sa 6th Asia-Pacific Luminare Award na ginanap noong Nobyembre 23 sa Okada, Manila. Dumiretso talaga siya sa ospital upang ihandog ito kay Jho.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel