Andrew Schimmer, nakatakda pa umanong ikasal kay Jho isang araw matapos itong pumanaw

Andrew Schimmer, nakatakda pa umanong ikasal kay Jho isang araw matapos itong pumanaw

- Nakatakda na sana ang pag-iisang dibdib nina Andrew Schimmer at Jho Rovero noong Disyembre 21

- Subalit sa kasaamang palad, pumanaw si Jho isang araw bago sana ito maganap

- Itinaon din nila ito na kaarawan ng kanyang bunsong anak na si Xander

- Sa ngayon, labis pa rin ang pighati ni Andrew sa pagkawala ng kanyang fiancee at ito ang unang Bagong Taon na wala na ito sa piling niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tila nakadagdag pa umano sa lungkot ng mga nakasubaybay sa lagay ng fiancee ni Andrew Schimmer na si Jorhomy 'Jho'Rovero ay nang malaman ng publiko na ikakasal sana sila.

Andrew Schimmer, nakatakda pa umanong ikasal kay Jho isang araw matapos itong pumanaw
Andrew Schimmer kasama ang kanyang pamilya (The Schimmers)
Source: Facebook

Matatandaang ilang araw bago ito pumanaw, nagpakita na ng hudyat si Andrew na hindi na niya hihintayin pa ang takdang oras o ang paggaling sana ni Jho at handa na sana siyang pakasalan ito.

Read also

Tuesday Vargas sa partner na may apat na rare diseases: "Hinding-hindi kita iiwan"

Nalaman ng KAMI na ang naturang kasalan ay magaganap sana noong Disyembre 21, isang araw mula nang pumanaw si Jho.

Sa ulat ng Balita, nasabi ni Andrew sa isa sa mga naging interview nito na napili nila ang petsang ito upang maitaon na rin sa kaarawan ng bunso nilang anak na si Xander.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Subalit hindi na ito nangyari gayung binawian na ng buhay si Jho noong Disyembre 20.

Dahil dito, nag-birthday si Xander sa unang araw ng burol ng kanyang Mommy. Matatandaang wala ito halos nasasambit na ibang birthday wish kundi ang makasama pang muli sana ang kanyang ina.

Samantala, ayon naman sa Bandera, patuloy umanong papaimbestigahan ni Andrew ang umano'y naging kapalpakan ng naging nutritionist ni Jho na nakikita nilang sanhi sa pagbabalik nito sa ospital at siyang naging dahilan ng komplikasyon nito bago pumanaw.

Read also

Andrew Schimmer, binalikan ang videoke bonding nila noon ni Jho isang araw bago ito ilibing

Si Andrew Schimmer ay isang aktor at modelo sa bansa na muling napag-usapan sa social media nang buong tapang itong humingi ng saklolo para sa pagpapagamot sa misis na nagkaroon ng asthma attack na kalauna'y sinundan ng brain hypoxia noong Nobyembre 2021.

Kamakailan, tila nagpahiwatig si Andrew ng kasal kay Jho nang ipakita niya ang larawan ng singsing at ilang emojis na patungkol sa kasalan.

Ilan minuto bago nga kinumpirma ni Andrew ang pagpanaw ng misis, ibinahagi muna niya ang larawan ng kanilang mga kamay na mayroong couple rings.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel