Jorhomy “Jho” Rovero, naihatid na sa kanyang huling hantungan

Jorhomy “Jho” Rovero, naihatid na sa kanyang huling hantungan

- Naihatid na si Jorhomy “Jho” Rovero sa huling hantungan nitong Biyernes, December 30, 2022

- Sa live video na binahagi ng Facebook user na si Ning Concepcion Flaviano Rovero na pinsan ni Jho, makikita ang kaganapan sa libing

- Maraming tao ang nakiramay sa pamilya ni Andrew lalo at halos lahat ay naantig sa kwento ng kanilang pamilya

- 34 taong gulang ang misis ni Andrew nang bawian ito ng buhay nitong December 20, 2022

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nailibing na si Jorhomy “Jho” Rovero, ang misis ni Andrew Schimmer. Sa live video na binahagi ni Ning Concepcion Flaviano Rovero na pinsan ni Jho, makikita ang pagbuhos ng emosyon ng mga naiwang mahal sa buhay ni Jho.

Jorhomy “Jho” Rovero, naihatid na sa kanyang huling hantungan
Jorhomy “Jho” Rovero, naihatid na sa kanyang huling hantungan (facebook.com/johnandrew.schimmer)
Source: Facebook

Habang papunta sa simbahan, maraming tao ang nag-abang at nakiramay sa pagdadalamhati ng pamilya. Simula nang maisapubliko ang tungkol sa kwento ng pagkakaospital ni Jho, marami ang naantig sa kanilang kwento. Sa katunayan ay naipalabas pa sa Magpakailanman ang kwento ng buhay nila.

Read also

Andrew Schimmer, binalikan ang videoke bonding nila noon ni Jho isang araw bago ito ilibing

34 taong gulang ang misis ni Andrew nang bawian ito ng buhay nitong December 20, 2022 matapos nitong ma-coma.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naiuwi pa ito ni Andrew sa kanilang bahay matapos ang halos isang taon na pagkakaospital sanhi ng cardiac arrest at severe hypoxemia.

Jorhomy “Jho” Rovero, naihatid na sa kanyang huling hantungan
Jorhomy “Jho” Rovero, naihatid na sa kanyang huling hantungan (@facebook.com/johnandrew.schimmer)
Source: Facebook

Si Andrew Schimmer ay isang aktor sa Pilipinas na sinilang noong June 10, 1986 sa Manila, Philippines. Ilan sa mga sumikat na pelikulang kinabilangan niya ay Babangon Ako't dudurugin kita (2008), Gagamboy (2004) and Resiklo (2007).

Matatandaang humingi ng tulong si Andrew sa mga kasamahan niya sa showbiz at maging sa netizens para sa kanyang misis na si Jorhomy “Jho” Rovero. Nakaranas ng matinding asthma attack si Jho na nagresulta sa cardiac arrest at brain hypoxia. Dahil sa nangyari ay nasa ICU ng St. Luke’s Medical Center in Bonifacio Global City, Taguig City ang asawa niya at malaki na ang kanilang bayarin.

Read also

Andrew Schimmer, ibinahagi ang detalye ng libing ng namayapang fiancée

Nagdala ng bulaklak ang anak ni Andrew na si Xander para sa kanyang mommy na si Jho. Aniya, pink at white ang pinili niyang bulaklak dahil alam niyang gusto ng mommy niya ang ganoong kulay ng bulaklak. Ito umano ang Christmas gift niya para sa kanyang mommy. Marami ang naantig sa video na ito kung saan kinakausap ni Xander ang kanyang mommy.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel