Andrew Schimmer, ibinahagi ang detalye ng libing ng namayapang fiancée

Andrew Schimmer, ibinahagi ang detalye ng libing ng namayapang fiancée

- Ibinahagi ni Andrew Schimmer ang detalye ng libing namayapa niyang fiancée na si Jho Rovero

- Una na itong naibahagi ng ina ni Jho kung saan nasabi nitong isang paggunita muna sa buhay ng kanyang anak ang nagaganap

- Disyembre 20 nang bawian ng buhay si Jho na nataon pang kaarawan ng bunsong anak na si Xander

- Gayunpaman, marami ang humanga sa katatagan ni Xander nang mag-birthday ito sa unang araw ng burol ng kanyang ina

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isinapubliko na ni Andrew Schimmer ang detalye ng libing ng kanyang fiancée na si Jorhomy Reiena 'Jho' Rovero.

Andrew Schimmer, ibinahagi ang detalye ng libing ng fiancee na si Jho Rovero
Andrew Schimmer kasama ang kanyang pamilya (The Schimmers)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sa kanyang Facbook post sa 'The Schimmers' ipinakita nito ang larawang nagsasaad na sa Biyernes, Disyembre 30 ay ihahatid na sa huling hantungan si Jho sa Marilao Memorial Garden sa Lias, Marilao Bulacan.

Read also

Holdaper at snatcher noon, Kilala na ngayon sa kanyang tindang sandwich sa Divisoria

Matatandaang una na itong naibahagi ni Josephine Penaranda kung saan nabanggit din niya ang memorial service bilang paggunita sa buhay ng kanyang anak.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Andrew Schimmer ay isang aktor at modelo sa bansa na muling napag-usapan sa social media nang buong tapang itong humingi ng saklolo para sa pagpapagamot sa misis na nagkaroon ng asthma attack na kalauna'y sinundan ng brain hypoxia noong Nobyembre 2021. Mahigit isang taon din iton nakipaglaban sa kanyang naging karamdaman.

Kamakailan, tila nagpahiwatig si Andrew ng kasal kay Jho nang ipakita niya ang larawan ng singsing at ilang emojis na patungkol sa kasalan.

Ilan minuto bago nga kinumpirma ni Andrew ang pagpanaw ng misis, ibinahagi muna niya ang larawan ng kanilang mga kamay na mayroong couple rings.

Sa pamamagitan ng isang maiksing video, kinumpirma ni Andrew ang pagpanaw ni Jho noong Disyembre 20 na nataong kaarawan din umano ng bunso nilang anak na si Xander.

Read also

Andrew Schimmer, emosyonal sa huling Christmas picture na kasama ang namayapang fiancée

Dahil dito, nag-birthday si Xander sa unang araw ng burol ng kanyang ina. Labis siyang hinangaan ng marami sa katatagang ipinakikita niya sa edad na siyam.

Sa isang video habang ipinagdarasal ang ina, nabanggit ni Xander ang labis na kalungkutan ng amang si Andrew. Dahil dito, sinisikap niya umano itong patawanin gayundin ang mga mahal nila sa buhay na labis na nalulungkot sa pagkawala ng kanyang Mommy Jho.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel