Ina ni Jho Rovero, emosyonal sa naging birthday wish ng kanyang apo

Ina ni Jho Rovero, emosyonal sa naging birthday wish ng kanyang apo

- Hindi napigilang maging emosyonal ni Josephine Penaranda, ang ina ni Jho Rovero nang marinig ang birthday wish ng apo

- Nakadagdag sa kanilang lungkot ay ang kaarawan ng bunsong anak nina Jho at Andrew Schimmer na si Xander na nataong araw ng pagpanaw ng ina nito

- Kaya naman nag-birthday si Xander sa burol ng ina sa Bulacan

- Halos paulit-ulit na nasambit nito ang hiling na makasama muli si Jho na nasa maayos na kalagayan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminadong naiyak at naging emosyonal si Josephine Penaranda, ang ina ni Jorhomy "Jho" Rovero sa naging birthday wish ng kanyang apo na si Xander.

Ina ni Jho Rovero, emosyonal sa naging birthday wish ng kanyang apo
Si Andrew Schimmer at kanyang pamilya (The Schimmers)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na nagdiwang itong kanyang 9th birthday sa burol ng ina sa Bulacan.

Matatandaang sa video na ibinahagi ni Andrew Schimmer noong Disyebre 20 bilang pagkumpirma ng pagpanaw ni Jho, nasabi rin nito na iyon din ang araw ng kaarawan ng bunso nilang anak.

Read also

Andrew Schimmer: "I’m sorry…but I hate Christmas, and I don’t think I will ever like it again"

Isang araw ang nakalipas, ibinahagi nila ang video ni Xander na nag-blow ng candle ng kanyang birthday cake sa tabi ng labi ng kanyang ina.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"I want to see Mommy again"

"I love you and I miss you"

"I always wanted to spend more time with you Mommy"

"Mommy... It's my Birthday today"

"Someday we will see each other again," ang mga katagang nasambit ni Xander na labis na umantig sa puso ng marami.

Dahil dito, naibahagi ng ina ni Jho ang kalungkutang nadama nang marinig ang hiling ng apo.

"Hindi ko kinaya wish ng apo ko, naiyak ako," pahayag ni Josephine sa kanyang post.

Ina ni Jho Rovero, emosyonal sa naging birthday wish ng kanyang apo
Josephine Dela Rosa Penaranda
Source: Facebook

Si Andrew Schimmer ay isang aktor at modelo sa bansa na muling napag-usapan sa social media nang buong tapang itong humingi ng saklolo para sa pagpapagamot sa misis na nagkaroon ng asthma attack na kalauna'y sinundan ng brain hypoxia noong Nobyembre 2021.

Read also

Bunsong anak ni Andrew Schimmer, nag-birthday sa burol ng kanyang Mommy Jho

Kamakailan, tila nagpahiwatig si Andrew ng kasal kay Jho nang ipakita niya ang larawan ng singsing at ilang emojis na patungkol sa kasalan.

Ilan minuto bago nga kinumpirma ni Andrew ang pagpanaw ng misis, ibinahagi muna niya ang larawan ng kanilang mga kamay na mayroong couple rings.

Samantala, isang buwan lamang halos ang nakalilipas nang ialay naman ni Andrew kay Jho ang natanggap niyang Asia's Most Inspiring actor and Model of the Year mula sa 6th Asia-Pacific Luminare Award na ginanap noong Nobyembre 23 sa Okada, Manila. Dumiretso talaga siya sa ospital upang ihandog ito kay Jho.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel