Andrew Schimmer: "I’m sorry…but I hate Christmas, and I don’t think I will ever like it again"

Andrew Schimmer: "I’m sorry…but I hate Christmas, and I don’t think I will ever like it again"

- Naglabas ng saloobin si Andrew Schimmer kaugnay sa pinagdadaanan ng pamilya niya ngayong paparating ang pasko

- Aniya, may mga pagkakataong dumarating sa buhay na magtutulak sa kanya para kamuhian niya ang sarili

- Dagdag pa niya sa tingin niya ay hindi niya na kailanman magugustuhan pa ang Christmas

- Matatandaang naibahagi ni Andrew sa isang video na wala siya sa tabi ng kanyang misis nang bumigay ang katawan nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naglabas si Andrew Schimmer ng kanyang sama ng loob sa gitna ng pagdadalamhati niya sa pagpanaw ng kanyang misis na si Jho Rovero. Binahagi niya ang video na kuha nitong Martes, December 20 bago pumanaw ang kanyang misis.

Andrew Schimmer: "I’m sorry…but I hate Christmas, and I don’t think I will ever like it again"
Andrew Schimmer: "I’m sorry…but I hate Christmas, and I don’t think I will ever like it again" (@facebook.com/johnandrew.schimmer)
Source: Facebook

Sa naturang video ay naibahagi pa nila ng anak niyang si Xander ang plano nila para sa kaarawan ng bunsong anak. Gusto umano nitong ipagdiwang ang kaarawan niya sa tabi ng kanyang mommy. Kaya naman, pupunta na umano sila sa ospital pagkatapos ng taping ni Andrew sa GMA kung saan kasali siya sa isang episode ng Family Feud.

Read also

Bea Alonzo, pinakita ang kanyang condo na pinagawa niyang office

Aniya, may mga pagkakataong dumarating sa buhay na magtutulak sa kanya para kamuhian niya ang sarili. Dagdag pa niya sa tingin niya ay hindi niya na kailanman magugustuhan pa ang Christmas.

Sometimes life will break you to the point of no return it will give you so many circumstances that you will really hate your self I’m sorry…but I hate Christmas, and I don’t think I will ever like it again

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Andrew Schimmer ay isang aktor sa Pilipinas na sinilang noong June 10, 1986 sa Manila, Philippines. Ilan sa mga sumikat na pelikulang kinabilangan niya ay Babangon Ako't Dudurugin Kita (2008), Gagamboy (2004) and Resiklo (2007).

Samantala, sa isang video ay hindi napigilang maiyak ni Andrew sa mensahe ng kanyang dalawang anak na sina Andrea at Sandro Schimmer. Ito ay nang mag-guest siya sa programang "Moments" sa Net 25 na kung saan si Gladys Reyes ang host. Ayon sa mga anak niya, sana ay magpahinga din si Andrew at alagaan nito ang sarili niya para maalagaan niya ang kanilang mommy. Alam umano nila na kung makakapagsalita ang mommy nila ay gusto din nitong magpahinga din ang ama nila.

Read also

Megan Young, napamura matapos pagtripan ng mister na si Mikael Daez

Ibinahagi ng Facebook page na 'The Schimmers' kung paano nag-birthday si Xander, ang bunsong anak nina Andrew at namayapang si Jho Rovero. Matatandaang kaarawan umano ni Xander noong Disyembre 20 kung kailan pumanaw ang kanyang ina. Sa video, makikitang nag-blow ng candles ang siyam na taong gulang na si Xander - Wala itong ibang hiling kundi ang makasama muli ang ina at makitang nasa maayos na itong kalagayan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel