Andrew Schimmer, paiimbestigahan pa rin ang naging nutritionist ni Jho Rovero

Andrew Schimmer, paiimbestigahan pa rin ang naging nutritionist ni Jho Rovero

- Paiimbestigahan pa rin umano ni Andrew Schimmer ang umano'y naging kapabayaan ng nutritionist ni Jho Rovero

- Matatandaang tumaas umano ang sodium sa katawan ni Jho nang maiuwi siya pansumandali noong Iktubre

- Ito ang dahilan kung bakit kinailangan nila muling ibalik sa ospital si Jho na nagkaroon pa ng iba't ibang mga komplikasyon

- Sinasabing ito naman ang susunod na haharapin ni Andrew matapos na maihatid sa huling hantungan ang kanyang fiancee

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tuloy pa rin ang imbestigasyon sa umano'y naging nutritionist ni Jorhomy 'Jho' Rovero, ayon ito sa kanyang partner na si Andrew Schimmer.

Andrew Schimmer, paiimbestigahan pa rin naging nutritionist ni Jho Rovero
Andrew Schimmer (The Schimmers)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na bagama't namayapa na si Jho, paiimbestigahan pa rin ni Andrew ang umano'y kapalpakan ng nutritionist dahilan para ibalik nila noon ng ospital ang kanyang fiancee.

Sa ulat ng Balita, nasabi ni Andrew na ito ang susunod niyang haharapin matapos ang libing ni Jho noong Disyembre 30.

Read also

Mga anak ni Andrew Schimmer, dinalaw ang kanilang mommy ngayong bagong taon

Matatandaang Oktubre 10 nang maiuwi nila sa kanilang tahanan sa Bulacan si Jho subalit kinailangan nilang ibalik ito sa ospital matapos ang ilang araw dahil sa pagtaas ng sodium level nito sa katawan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ito rin ang nakita nilang dahilan upang madialysis si Jho at magkaroon na ng iba't ibang mga komplikasyon sa katawan.

Na-comatose din si Jho ng mahigit isang buwan hanggang sa tuluyan na itong mamaalam noong Disyembre 20.

Ayon sa Bandera, isa rin sa mga kinikwestyon ni Andrew sa sinapit ng fiancee ay ang pinaglagakan nitong ospital na hanggang ngayon ay hindi pa rin umano sila nasasagot.

Nasa taping noon si Andrew para sa Family feud at iniwan niya umanong maayos pa ang vital signs ni Jho.

Subalit hindi nagtagal, nakatanggap na siya ng tawag mula sa nurses nito dahilan para bumalik siya ng ospital.

Read also

Andrew Schimmer, nakatakda pa umanong ikasal kay Jho isang araw matapos itong pumanaw

Naabutan pa umano niyang nire-revive si Jho subalit binawian na ito ng buhay.

Si Andrew Schimmer ay isang aktor at modelo sa bansa na muling napag-usapan sa social media nang buong tapang itong humingi ng saklolo para sa pagpapagamot sa misis na nagkaroon ng asthma attack na kalauna'y sinundan ng brain hypoxia noong Nobyembre 2021.

Kamakailan, tila nagpahiwatig si Andrew ng kasal kay Jho nang ipakita niya ang larawan ng singsing at ilang emojis na patungkol sa kasalan.

Ilan minuto bago nga kinumpirma ni Andrew ang pagpanaw ng misis, ibinahagi muna niya ang larawan ng kanilang mga kamay na mayroong couple rings.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel