Tuesday Vargas, ipinagtanggol si Kanye Avendaño matapos ang tanong sa presscon
- Nagpahayag ng saloobin si Tuesday Vargas matapos kumalat online ang video ng isang press conference kung saan tinanong ang 12-anyos na child actor na si Kanye Avendaño tungkol sa posibilidad ng pagsali sa VMX sa hinaharap
- Ayon sa actress-host, hindi age-appropriate ang naturang tanong para sa isang menor de edad at mahalagang mapanatili ang malinaw na hangganan sa pakikitungo ng industriya at media sa mga batang artista
- Binigyang-diin din ni Tuesday na ang mga press conference at media gathering ay dapat maging ligtas na espasyo para sa mga child actor, lalo na sa mga sitwasyong maaaring mahirapan silang tumugon sa mga sensitibong tanong mula sa matatanda
- Kasabay nito, umani rin ng atensyon ang ginawang pagsita ni Zaijian Jaranilla sa naturang tanong, habang maraming netizens ang nagpahayag ng suporta sa panawagang igalang at protektahan ang mga menor de edad sa industriya
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Naging usap-usapan sa social media ang pahayag ni Tuesday Vargas kaugnay ng naging karanasan ng child actor na si Kanye Avendaño sa isang kamakailang press conference para sa pelikulang Guryon.

Source: Facebook
Sa isang statement na ibinahagi noong Oktubre 23, nagpahayag ng pagkabahala ang actress-host matapos tanungin ang 12-anyos na aktor kung gugustuhin niyang sumali sa VMX, dating kilala bilang Vivamax, kapag siya ay mas matanda na.
Sa kanyang pahayag, iginiit ni Tuesday na hindi nararapat ang naturang tanong para sa isang bata.
“PAG TANDA MO GUSTO MO BANG MAG VIVA MAX? Bakit mo tatanungin ang isang 12-year-old kung may balak siyang mag-VivaMax?! Saang mundo naging OK at normal para sa isang showbiz reporter ang ganyang tanungan?”
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ipinaliwanag din niya na hindi dapat balewalain bilang biro ang ganitong uri ng pahayag, lalo na kung ito ay ibinabato sa isang menor de edad sa harap ng media.
“Bukod sa hindi age-appropriate, nakakabahala na nakatutok ang mic sa isang bata tapos ganyan ang 'hirit'—at mas nakakadismaya na may mga natawa pa sa paligid. Normalized s3xualization of minors in media is NOT humor; it is boundary-crossing and unacceptable.”
Ayon kay Tuesday, mahalagang matiyak na ang mga press conference at media huddle ay nananatiling ligtas na espasyo para sa mga batang artista.
“Press conferences and media huddles should be a safe space, especially for child actors. Asking a 12-year-old child about adult, s3xually explicit content like VivaMax isn't 'casual banter' or 'pagsakay sa uso'—it’s inappropriate and unprofessional.”
Ibinahagi rin ng aktres na handa siyang magsalita tungkol sa isyu bilang isang ina at bilang isang taong matagal nang bahagi ng industriya ng entertainment.
Bagama't hindi niya pinangalanan ang reporter na sangkot sa usapin, sinabi niyang kilala niya ito at umaasa siyang magsisilbing halimbawa ang mga beterano sa media pagdating sa propesyonalismo at paggalang.
“Showbiz reporting needs boundaries. Being a 'veteran' reporter is not a license to cross ethical lines. Kilala po kita, ilang beses mo na din akong naka sama sa mga presscon. Sana naman po since matagal na kayo sa industriya, kayo po ang model ng professionalism at respect. Nakaka disappoint po ito.”
Nanawagan din si Tuesday ng public apology at mas malinaw na pananagutan sa mga pagkakataong may mga menor de edad na nasasangkot sa ganitong sitwasyon.
“Wish ko na bukod sa mag issue po kayo ng public apology, AT PARA SA LAHAT ITO SA INDUSTRIYA, we should be aware that minors, even in showbiz, are children first.”
Bukod dito, hinikayat din niya ang kapwa artista na magsalita kapag may nasasaksihang hindi angkop na pagtrato sa iba, lalo na sa mga bata.
Samantala, unang umani ng papuri si Zaijian Jaranilla matapos niyang ipaalala sa reporter na menor de edad pa si Kanye nang marinig niya ang naturang tanong sa press conference.
Nang tanungin ang batang aktor ng, “Pag lumaki ka ba, mag Vi-vivamax ka?”, agad itong sumagot ng “Hindi po.”
Kasunod nito ay sinabi ni Zaijian:
“Underage pa po si Kanye kaya ingat po sa mga ganun tanong.”
Ang reporter naman ay sumagot ng:
“Pasensya na, joke lang yun.”
Kalaunan, nagpasalamat si Kanye kay Zaijian sa pamamagitan ng isang TikTok post dahil sa pagtatanggol nito sa kanya sa naturang pagkakataon.
Sa mga nakaraang taon, patuloy na napag-uusapan sa industriya ng entertainment ang kahalagahan ng child protection at ang pagtiyak na ligtas ang working environment para sa mga menor de edad na artista. Ang insidenteng ito ay muling nagbukas ng usapan tungkol sa mga hangganan sa media interviews at entertainment coverage.
Habang pinag-uusapan pa rin online ang naging pahayag ni Tuesday Vargas, may ilan pang balitang nailathala kamakailan ng KAMI.com.ph na may kaugnayan sa aktres-host.
Sa artikulong “Tuesday Vargas, nagdadalamhati sa pagpanaw ni Arnell Tamayo at iba pang kapwa komedyante”, ibinahagi ni Tuesday ang kanyang pakikiramay sa pagpanaw ng beteranong komedyante. Tinalakay rin sa ulat ang kanyang mensahe para sa mga naiwan ng yumaong artista at ang naging epekto nito sa entertainment community.
Sa artikulong “Tuesday Vargas, prangkahang sinabing hindi dapat ginagawang punchline”, nagpahayag din ang aktres ng kanyang paninindigan sa isang hiwalay na isyu. Naging sentro ng ulat ang kanyang opinyon tungkol sa responsibilidad sa paggamit ng katatawanan at ang epekto nito sa ibang tao.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh



