Ian de Leon, nagdiwang ng pasko kasama ang inang si Nora Aunor

Ian de Leon, nagdiwang ng pasko kasama ang inang si Nora Aunor

- Naibahagi ni Ian de Leon ang video ng kanilang pagdiriwang ng Pasko kasama ang kanyang inang si Nora Aunor

- Bukod sa kanyang mag-ina, nakasama din nila ang isa npang kapatid nila na si Kenneth at ang pamilya nito

- Ani Ian, masaya siya na matapos ang mahabang panahon ay nakasama niyang magdiwang ng Pasko ang kanyang ina

- Marami naman ang natuwa na makita silang mag-iina na magkasama at may mga umaasang maging tulay si Ian para maayos ang relasyon ng kanilang ina sa iba pa nilang kapatid

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Masaya si Ian de Leon na matapos ang maraming taon ay nakasama niyang magdiwang ng Pasko ang kanyang inang si Nora Aunor. Kasama din nila ang isa pa niyang kapatid na si Kenneth.

Ian de Leon, nagdiwang ng pasko kasama ang inang si Nora Aunor
Nora Aunor attends "Thy Womb" Premiere during The 69th Venice Film Festival at the Palazzo del Cinema on September 6, 2012 in Venice, Italy. (Photo by Dominique Charriau/WireImage)
Source: Getty Images

Makikita sa video ni Ian ang masayang pagdiriwang nila. Marami naman ang natuwa na makita silang mag-iina na magkasama at may mga umaasang maging tulay si Ian para maayos ang relasyon ng kanilang ina sa iba pa nilang kapatid.

Read also

Mommy Carmen, nag-post ng mga nakakakilig na videos nila ng boyfriend niya

Salamat Ian and Kenneth at bumisita kayo kay nanay nora no matter what happen ina nyo pa rin sya.
I'm happy to know that you spent Christmas with your Mom, Ms. Nora Aunor. I'm sure she was so happy.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Maraming salamat Ian at inuunawa mo nanay mo.napakaswerte ni nanay mo sanyong lahat na magkakapatid kc lahat kyo mababait kahit di nya kyo nabantayan o naalagaang mabuti lumaki kyong lahat ng maayos

Si Nora Aunor o Nora Cabaltera Villamayor ay sumikat sa mundo ng showbiz hindi lamang sa husay niya sa pag-arte kundi maging sa kanyang pag-awit. Naging film producer na rin siya kinalaunan. Nakilala siya sa bansag na "Superstar" at isinusulong ng marami na maging National Artist.

Samantala, nauna nang binuweltahan ni Lotlot de Leon ang isang netizen na nagkomento sa kanyang Instagram post kaugnay sa lumabas na balita at litrato na nagsasabing hindi siya kasama sa mga kapatid niya na pumunta sa kanilang inang si Nora Aunor. Ayon sa netizen na nagkomento, masyado na umanong tinitiis ni Lotlot ang ina gayong ito ang umampon sa kanya.

Read also

Tom at Carla, malabo nang magkabalikan; annulment aasikasuhin na ayon kay Cristy

Samantala, sa tingin umano ni Matet de Leon ay hindi na maaayos ang relasyon nila ng ina. Aniya, parang hindi niya maisip kung paanong nagawa iyon sa kanya na anak. Hirap na hirap na daw silang magkakapatid na tuwing may ginagawa ang kanilang ina ay hindi sila makapagsalita. Gayunpaman, sinabi niyang mahal pa rin niya ang ina at hindi na rin sila magpapakita sa ina para hindi na ito mainis.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel