Tom at Carla, malabo nang magkabalikan; annulment aasikasuhin na ayon kay Cristy

Tom at Carla, malabo nang magkabalikan; annulment aasikasuhin na ayon kay Cristy

- Malabo na raw umano na magkabalikan pa sina Tom Rodriguez at Carla Abellana

- Ayon kina Cristy Fermin at Romel Chika ng Showbiz Now Na, pabalik na ng bansa si Tom

- Ito ay upang asikasuhin na ang annulment o pagpapawalang bisa ng kasal nila ni Carla

- Aminado sina Cristy na maging sila ay umaasa noon na magkakaayos pa ang dalawa na matapos ang tatlong buwan mula nang ikasal ay agad ding naghiwalay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Wala na raw umanong posibilidad na magkaayos pa ang mag-asawang sina Tom Rodriguez at Carla Abellana.

Tom at Carla, malabo nang magkabalikan; annulment aasikasuhin na ayon kay Cristy
Cristy Fermin (Showbiz Now Na!)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na isa ito sa mga tinalakay sa pinakabagong episode ng Showbiz Now Na!

Ayon umano sa kanilang source, pabalik ng bansa si Tom sa pagpasok ng taong 2023 upang tuluyan nang ayusin ang annulment ng kasal nila ni Carla.

Read also

Vice Ganda, naiyak sa saya sa mga positibong komento sa #GandaraTheBeksplorer

"Magpapawalang bisa na lamang po ng kanilang kasal ang kanilang aasikasuhin," ani Cristy.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Gayunpaman, masaya umano si Cristy sa pananahimik ng magkabilang panig lalo na sa kinahinatnan ng kanilang relasyon.

"Pero ako ay natutuwa rin na nakalipas ang Pasko, papasok na ang Bagong taon, pero mukhang sa mga panayam naman ni Tom, sinabi niya na kahit puro snow sa Amerika, napakalamig hindi malamig ang kanyang Pasko."
"Tumigil na sila sa mga patutsada. Wala nang sinasabi si Tom, Lalong wala na ring sinasabi si Carla. At ang pinakamahalaga hindi pa nila binabanggit ang pangalan ng isa't isa."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel nilang Showbiz Now Na!

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene sa loob at labas ng bansa.

Read also

Cristy Fermin, ipinagtanggol si Daniel Padilla sa akusasyong cheater umano ito

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez na mayroon nang halos 300,000 subscribers.

Samantala, sa naturang YouTube channel din nabanggit ang petsa ng umano paghaharap nina Mommy Divine at mga dating empleyado na nagrereklamo. Kailangan daw umano itong harapin ni Mommy Divine upang pabulaanan din ang mga akusasyon kung wala raw talaga itong katotohanan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel