Cristy Fermin, ipinagtanggol si Daniel Padilla sa akusasyong cheater umano ito

Cristy Fermin, ipinagtanggol si Daniel Padilla sa akusasyong cheater umano ito

- Dinipensahan ni Cristy Fermin si Daniel Padilla sa mga umano'y nagsasabing cheater ito

- Naikumpara kasi ito kay Donny Pangilinan na sinasabing hindi 'cheater' 'di tulad ni Daniel

- Ani Cristy, kailangan ng resibo kung totoo ang akusasyon na nagloko umano ang nobyo ni Kathryn Bernardo

- Marami ang umaasang matuloy na ang kasalan ng KathNiel na wala pa namang kumpirmasyon mula sa magkasintahan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ipinagtanggol ni Cristy Fermin si Daniel Padilla sa mga nagsasabing mayroon itong ibang babae.

Cristy Fermin, ipinagtanggol si Daniel Padilla sa mga nagsasabing cheater umano ito
Tambalang Kathniel (@supremo_dp)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na naikumpara umano ang nasabing aktor kay Donny Pangilinan. Ayon sa ilang netizens, hindi raw cheater si Donny tulad ni Daniel.

"Naging napakatapat naman ni Daniel Padilla kay Kathryn. At kung may mga issue na lumalabas na merong iba, kailangan ng resibo.Wala namang patunay 'di ba?" ani Cristy.

Read also

Tom at Carla, malabo nang magkabalikan; annulment aasikasuhin na ayon kay Cristy

Kapansin-pansing sa kabila ng akusasyon kay Daniel ay wala nga namang mailabas na ebidensya ang mga nagsasabi nito lalo na at matatag pa rin ang 11 taong relasyon ng Kathniel.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Umaasa rin umano ang marami na matuloy na ang kasalan ng dalawa na nagiging matunog kamakailan kahit na wala pang kumpirmasyon mula sa magkasintahan.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene sa loob at labas ng bansa.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez na mayroon nang halos 300,000 subscribers.

Matatandaang minsan na ring natalakay sa Showbiz Now Na! ang nasagap ni Cristy Fermin sa kanyang source na kasalang Kathniel ngayong papasok na taong 2023.

Read also

Andrew Schimmer, ibinahagi ang detalye ng libing ng namayapang fiancée

Wala pa man daw proposal na nagaganap, tila kumbinsido si Cristy na maituturing itong wedding of the century kung ito ay matuloy.

Ilan pa sa mga maiinit na chika na naibahagi sa Showbiz Now Na! kamakailan ay ang tila nananamlay nang career umano ni Jake Zyrus. Nilinaw pa nilang hindi lang basta konti ang bumili ng tiket ng show nito sa San Diego. Ayon umano sa kanilang source, dalawa lang ang bumili ng tiket at ang ibang nanood ay mga pinapasok na lamang sa venue pamparami umano ng audience.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel