Cristy nilinaw ang naibalitang show ni Jake Zyrus sa USA: "Dalawa lang po ang nagbayad"

Cristy nilinaw ang naibalitang show ni Jake Zyrus sa USA: "Dalawa lang po ang nagbayad"

- Muling napag-usapan sa Showbiz Now Na! ang naging show ni Jake Zyrus sa Amerika

- Nauna na nilang naibalita na umano'y flop na show ni Jake na iilan lang ang nanood

- Ngayon, sinabi ng kanilang source sa Amerika na dadalawa lamang umano ang nagbayad ng tiket

- Sinabing para lang magmukhang may nanonood pang iba ng show, pinapasok nalang umano ang mga nasa labas ng casinó

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Muling napag-usapan nina Romel Chika, Wendell Alvarez at Cristy Fermin ang tungkol sa ginanap na show ni Jake Zyrus sa Amerika.

SNN may nilinaw sa naibalitang show ni Jake Zyrus sa Amerika: "Dalawa lang po ang nagbayad"
Jake Zyrus
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na ayon sa source ng Showbiz Now Na! hindi lang daw flop ang naturang show, kundi dadalawa lamang ang nagbayad ng tiket para manood.

"Eto na kumapit kayo... Dalawa lang po ang nagbayad ng show na 'yun tapos yung mga taong iilan, pina-forward nalang para magkaroon ng maraming tao kunwari," pagbabahagi ni Romel Chika.

Read also

Andrew Schimmer, ibinahagi ang detalye ng libing ng namayapang fiancée

"At pinapasok nalang daw po ang mga nasa labas ng casinó," ayon naman kay Cristy.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang una nang naibalita ni ng SNN ang tungkol sa show na ito ni Jake na ayon pa sa source, mas gusto pa ring mapanood ng publiko ang live performances ni Charice kaysa kay Jake.

"Ang nakakalungkot dun ay yung mga kwentong akala niya, hindi mababawi ng taong nakakaalam ng totoong nangyari para mapalutang dito sa Pilipinas," ani Cristy.

Narito ang kabuuan ng kanilang chika sa pinakabagong episode ng Showbiz Now Na!

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng bansa.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez na mayroon nang halos 300,000 subscribers.

Read also

Cristy, nabanggit ang petsa ng umano'y paghaharap nina Mommy Divine at kanyang complainant

Kamakailan, naiulat din nina Cristy na sinubukang muli ni Jake Zyrus na matulungan siya ng sikat na music producer na si David Foster upang manumbalik ang sigla sa kanyang career sa pagkanta. Sa kasamaang palad, hindi na raw umano ito napagbigyan ni Foster sa 'di malamang kadahilanan. Nananatili pa rin sa Amerika si Jake kung saan tumatanggap naman siya ng mga singing engagements.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel