Jake Zyrus, labis na nalungkot sa pagkakaroon ng sakit ni Celine Dion ayon kay Cristy Fermin

Jake Zyrus, labis na nalungkot sa pagkakaroon ng sakit ni Celine Dion ayon kay Cristy Fermin

- Labis umanong nalungkot si Jake Zyrus nang malaman ang karamdaman ng kanyang idolo at inspirasyon na si Celine Dien

- Ayon sa source ni Cristy, labis umano itong dinamdam ni Jake bilang itinuturing niyang ultimate idol si Celine

- Matatandaang nagkaroon pa ng pagkakataon na maka-duet ng dating si Charice Pempengco si Celine Dion

- Hiling ng marami ang paggaling ni Celine sa kanyang karamdaman na naging dahilan ng pagkansela niya sa ilang shows para sa 2023

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa umanong source ni Cristy Fermin ang nakapagsabi na labis na dinaramdam ni Jake Zyrus ang pagkakaroon ng karamdaman ng kanyahng iniidolong si Celine Dion.

Jake Zyrus, labis na nalungkot sa pagkakaroon ng sakit ni Celine Dion ayon kay Cristy Fermin
Photo: Jake Zyrus
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na kamakailan ay inanunsyo ni Celine ang tungkol sa pagkakaroon niya ng stiff person syndrome. Ito ang dahilan kung bakit kinakailangan niyang kanselahin ang ilang mga shows niya para sa darating na taong 2023.

Read also

Billy Crawford, nakausap na ang kanyang 'Kuys' Vhong Navarro

"Masyado po daw na nakakaramdam ng depresyon, anxiety at kalungkutan talaga sobra si Jake Zyrus ngayon," ayon kay Cristy.

Binalikan din niya ang pagakakataong nagkasama sa entablado sina Celine at ang noo'y si Charice Pempengco.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Makapanindig balahibo ang rendisyon niya ng 'Because you loved me' na noo'y inialay ni Jake sa kanyang ina na si Mommy Raquel.

"Kaya 'yung depresyon po niya ngayon mga ka-chika ay maiintindihan po natin 'yun dahil ito po ang tumatayong inspirasyon niya sa kanyang hanapbuhay."

Hiling naman ni Cristy ang paggaling ni Celine mula sa kakaibang sakit nito.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng bansa.

Read also

Alex Gonzaga, pinagpaliwanag ang mommy niya kung bakit mukha daw siyang yagit noong bata

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez na mayroon nang halos 300,000 subscribers.

Kamakailan, naiulat din nina Cristy na sinubukang muli ni Jake Zyrus na matulungan siya ng sikat na music producer na si David Foster upang manumbalik ang sigla sa kanyang career sa pagkanta. Sa kasamaang palad, hindi na raw umano ito napagbigyan ni Foster sa 'di malamang kadahilanan. Nananatili pa rin sa Amerika si Jake kung saan tumatanggap naman siya ng mga singing engagements.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel