Billy Crawford, nakausap na ang kanyang 'Kuys' Vhong Navarro

Billy Crawford, nakausap na ang kanyang 'Kuys' Vhong Navarro

- Nakabalik na ng bansa si Billy Crawform matapos magwagi sa Dancing with the Stars sa France

- Matatandaang malapit din si Billy kay Vhong Navarro na kanyang 'Kuys' sa It's Showtime

- Aniya, nagka-text na sila ni Vhong na kanyang nakumusta matapos na ito'y pansamantala nang makalaya

- Mainit din ang pagtanggap sa kanya ng kanyang pamilya sa noontime show na LOL

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Masayang nakauwi sa Pilipinas si Billy Crawford matapos tanghalin bilang champion sa Dancing with the Stars ng France.

Billy Crawford, nakausap na ang kanyang 'Kuys' Vhong Navarro
Billy Crawford (Ogie Diaz Showbiz Update)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na nakabalik na rin ito sa kanilang noontime show na LOL at mainit siyang tinanggap na sobrang proud sa kanyang pagkapanalo.

Sa panayam sa kanya ni Mama Loi ng Ogie Diaz Showbiz Update, nabanggit niyang nakausap na rin niya si Vhong Navarro na kamakailan ay pinayagan nang makapagpiyansa upang pansamantalang makalaya.

Read also

Cristy Fermin, inalmahan ang mga tumatawag kay Vhong Navarro na isa umanong kriminal

Ani Billy, masaya siya na makakasama na ng kanyang 'kuys' Vhong ang pamilya nito lalo na ngayong magpapasko na.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Actually nagtextan na kami ni Kuys, and I'm just really happy sa kanya na makakasama na niya anak niya, makakasama na niya asawa niya at magiging buo 'yung Pasko nila."
"At the end of the day, sana ma-resolve ng tama. Ipagdasal pa rn natin si Vhong. Medyo mahaba-haba pa 'yung pagdadaanan niya"

Syempre legal matters na ito hindi pwedeng tayong makisawsaw. lang Kung ako lang natutuwa ako sa kaibigan ko na nakabalik sa pamilya niya.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Billy Crawford mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Gumulantang sa publiko noong Disyembre 6 ang pansamantalang paglaya ni Vhong Navarro matapos na payagang makapagpiyansa ito ng halagang Php1 million. Ayon sa paliwanag ni Cristy Fermin, ang paglayang ito ni Vhong ay nangangahulugang maari na itong makabalik sa trabaho. Hindi na rin daw ito kailangang dakpin pa muli basta't sisiguraduhin nitong dadalo ng maayos sa bawat hearing ng kanyang kaso.

Read also

Xian Gaza, pinayuhan si Vhong Navarro: "Gayahin mo ako... Madidiin ka lang diyan"

Naging emosyonal ang mga anak ni Vhong sa pag-uwi nito. Ayon pa kay Ogie Diaz, halos hindi na bitiwan si Vhong ng mga anak na nagkaroon 'di umano ng anxiety dahil sa pagkakakulong ng ama.

Sa ngayon, nagpapahinga muna si Vhong kasama ang kanyang pamilya at binabalak din ang pagbabalik nito sa It's Showtime sa takdang panahon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel