Ogie Diaz, sinabing emosyonal ang mga anak ni Vhong sa pansamantalang paglaya nito
- Nagbigay detalye si Ogie Diaz sa mga kaganapan sa paglaya ni Vhong Navarro noong Disyembre 6
- Gumulantang sa publiko ang pag-anunsyo ng pagbibigay pagkakataon kay Vhong na makapagpiyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya
- At pagkauwi nga nito sa kanilang tahanan ay halos hindi na raw ito bitiwan ng kanyang mga anak na labis na naging emosyonal din sa kanyang pagbabalik
- Sinasabing may ilang mga kaibigan na rin niya ang nagawa siyang dalawin at kumustahin mula nang siyang mapiit noong Setyembre
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Ibinahagi ni Ogie Diaz ang ilang mga detalye nang makalaya na si Vhong Navarro noong Martes, Disyembre 6.
Nalaman ng KAMI na tila nahimasmasan ang mga anak ni Vhong nang makita siya ng mga ito sa kanila mismong tahanan.
Ayon pa kay Ogie D, halos hindi na bitiwan si Vhong ng mga anak na nagkaroon 'di umano ng anxiety dahil sa pagkakakulong ng ama.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Pagdating ni Vhong sa kanilang bahay, nagtatatalon ang mga bata asa tuwa.Napakahigpit na yakap na halos ayaw nang pakawalan si Vhong ng kanyahng mga anak. Nag-iyakan din ang mga dahil s pagka-miss nila kay Daddy Vhong," ani Ogie Diaz.
May ilang mga kaibigan na rin si Vhong na bumisita sa kanya at nakausap niya kahit sa pamamagitan manlang ng video call.
Sa ngayon, nagpapahinga muna si Vhong kasama ang kanyang pamilya at binabalak din ang pagbabalik nito sa It's Showtime sa takdang panahon.
Si Vhong Navarro ay dating miyembro ng kilalang dance group sa bansa na Streetboys. Kasama niya sa naturang grupo si Jhong Hilario at Spencer Reyes. Siya ang nagpasikat ng kantang Totoy Bibo na hanggang ngayon ay patok na patok sa masa. Naging bida din siya ng ilang pelikula tulad ng Da Possessed, My Only You, Unli Life, D' Anothers, at Agent X44.
Samantala, nito lamang Setyembre, nag-file ng kaso ang Taguig prosecutors laban kay Vhong Navarro kaugnay sa umano'y panggagahasa ng TV personality na si Deniece Cornejo. Matatandaang nauna nang binasura ng DOJ ang reklamo ni Deniece kay Vhong dahil sa umano'y inconsistent na pahayag nito. Ito rin ngayon ang nakikitang dahilan sa ngayon ng pansamantalang paglaya ni Vhong habang patuloy na umuusad ang kaso.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh