Vhong Navarro, nakalabas na; nakatakdang magbalik sa It's Showtime

Vhong Navarro, nakalabas na; nakatakdang magbalik sa It's Showtime

- Nakaalis na si Vhong Navarro sa Taguig City Jail bago mag-alas sais ngayong araw kasunod ng paglabas ng desisyong pinapayagan siyang makapagpiyansa

- Ayon sa ulat ng ABS-CBN News reporter na si Niko Baua, naibahagi umano ng kanyang mga abogado na naiyak si Vhong nang makita ang desisyon ng hukom

- Magpapahinga lang muna umano si Vhong sa mga susunod na mga araw ngunit balak umano nitong magbalik sa kanyang trabaho bilang TV host

- Tatlong buwan din na natigil si Vhong sa paghost s It's Showtime matapos niyang sumuko sa NBI kasunod ng paglabas ng warrant of arrest sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Magpapahinga raw muna si Vhong Navarro ng ilang araw matapos nga niyang makapagpiyansa at makalabas ngayong araw. Ayon sa ulat ng ABS-CBN News reporter na si Niko Baua, naibahagi umano ng kanyang mga abogado na balak din nitong magbalik sa kanyang trabaho bilang TV host.

Read also

Tanya Bautista, sinundo si Vhong Navarro sa Taguig City Jail

Vhong Navarro, nakalabas na; nakatakdang magbalik sa It's Showtime
Vhong Navarro, nakalabas na; nakatakdang magbalik sa It's Showtime (@vhongx44)
Source: Instagram

Hindi umano napigilan ni Vhong na maiyak matapos makita ang desisyon ng hukom kaugnay sa isinampang petisyon ng kampo niya na mapayagan siyang makapagpiyansa. Pinaliwanag din umano ng abogado niya na hindi muna magpapaunlak ng panayam ang TV host dahil kailangan nitong magpahinga at gusto munang makasama ang kanyang pamilya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Vhong Navarro ay nakilala sa mundo ng showbiz bilang isa sa miyembro ng all-male dancers na Streetboys. Sumikat din siya sa kanyang novelty songs na Totoy Bibo, Don Romantico at Chickboy. Naging bida din siya ng ilang pelikula kagaya ng Da Possessed, My Only You, Unli Life, D' Anothers, at Agent X44. Ikinasal siya sa creative manager at screenwriter na si Tanya Bautista.

Matapos ang kanyang pagpapahinga sa pagbabahagi ng YouTube content, muling nag-upload si Vhong ng bagong video sa kanyang YouTube channel. Ibinahagi niya ang isang car tour sa kanyang customized van na kanyang pinagawa sa Atoy Customs na kilala sa paggawa ng mga artista vans. Ani Vhong second hand niya lang nabili ang naturang van ngunit nagawa umano itong pagmukhaing sosyal matapos niyang ipa-customize. Sa kanyang vlog, pinakita ni Vhong ang iba't-ibang bahagi ng kanyang van na aniya ay bagay para sa kanya lalo na sa kanyang trabaho.

Read also

Erik Santos, napahagulhol matapos mag-alay ng huling awit para sa pumanaw na ina

Nag-file ng kaso ang Taguig prosecutors laban kay Vhong Navarro kaugnay sa umano'y panggagahasa ng TV host kay Deniece Cornejo. Nauna nang binasura ng DOJ ang reklamo ni Cornejo dahil sa umano'y inconsistent na pahayag nito. Gayunpaman, pinayagan ng Court of Appeals ang petition ng kampo ni Cornejo kaugnay sa pagkakabasura ng kanyang reklamo. Mas maigi umano ayon sa Court of Appeals na patunayan ni Vhong na hindi totoo ang alegasyon sa kanya sa pamamagitan ng paglilitis sa kaso.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel