Alex Gonzaga, pinagpaliwanag ang mommy niya kung bakit mukha daw siyang yagit noong bata

Alex Gonzaga, pinagpaliwanag ang mommy niya kung bakit mukha daw siyang yagit noong bata

- Binahagi ni Alex Gonzaga ang video kung saan tinanong niya ang kanyang mga magulang na sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy kaugnay sa picture nila ng ate niyang si Toni Gonzaga

- Kuha ang kanilang picture noong sila ay parehas na bata pa lang at ayon kay Alex ay makikita sa naturang picture ang pinagkaiba nila ng ate niya

- Tinanong niya ang kanyang mommy kung bakit daw siya mukhang yagit sa picture gayong mukhang mamahalin ang suot ng ate niya

- Ani Mommy Pinty, nataon lang na nakuhanan ng picture si Alex nang magkayayaan na mamasyal at maliligo pa lang umano si Alex noon kaya ganoon ang kanyang itsura sa picture

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tinanong ni Alex Gonzaga ang kanyang Mommy Pinty kaugnay sa umano'y pagkakaiba nila ng ate niyang si Toni Gonzaga. Sa picture na binahagi ni Alex makikita siya na nakatayo habang ang ate niya ay karga-karga ng yaya nito.

Read also

Herlene Budol, nagpost ng throwback picture na kuha noong 2015 pageant na sinalihan nya

Alex Gonzaga, pinagpaliwanag ang mommy niya kung bakit mukha daw siyang yagit noong bata
Alex Gonzaga, pinagpaliwanag ang mommy niya kung bakit mukha daw siyang yagit noong bata(@cathygonzaga)
Source: Instagram

Tinanong niya ang kanyang mommy kung bakit daw siya mukhang yagit sa picture gayong mukhang mamahalin ang suot ng ate niya. Ani Mommy Pinty, nataon lang na nakuhanan ng picture si Alex nang magkayayaan na mamasyal at maliligo pa lang umano si Alex noon kaya ganoon ang kanyang itsura sa picture.

Ayon naman sa kanyang daddy ay pinipilit nila noon na gayakan si Alex ngunit mas maganda siyang nakasuot lang ng sando.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 12.2 million na subscribers sa kasalukuyan.

Nagbiro si Alex tungkol sa isyung nag-resign siya sa episode ngayong araw ng Tropang Lol. Sa opening song pa lamang ng programa kung saan kumanta siya ay pabiro niyang isiningit ang "walang nag-resign." Ito ay sa gitna ng usap-usapang nag-resign umano siya lalo at wala siya noong unang araw ng back-to-back airing ng 'Tropang Lol' at 'It's Showtime.' Maging sa programa ni Cristy Fermin ay nabanggit na nag-resign si Alex sa programa kahit may isang buwang commitment pa umano itong natitira sa naturang programa.

Nabanggit ni Alex sa kanyang podcast ang tungkol sa umano'y paninigaw sa kanya ng isang artista na nakatatanda sa kanya. Aniya, may mga pagkakataon na pinagmumukha siyang masama ng ibang tao dahil sa kanyang personality. Noong nasa 20s umano siya ay na-traumatize siya dahil sa ginawa sa kanya ng artistang ito at nagkwento pa umano at pinagmukha siyang masama. Ang akala umano nito ay galing siya sa bahay at late lang siya at hindi umano niya alam na galing siya sa trabaho.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel