Lotlot de Leon, hindi pinalampas ang aniya'y panghuhusga sa kanya

Lotlot de Leon, hindi pinalampas ang aniya'y panghuhusga sa kanya

- Matapos lumabas ang balitang tanging si Lotlot de Leon lamang ang hindi nakasamang dumalaw kamakailan kay Nora Aunor, ilang fans ng Superstar ang umalma

- Isa sa kanila ay nagkomento sa Instagram post ni Lotlot kaugnay sa hindi nito pagpunta sa ina

- Ayon sa netizen, idolo niya si Lotlot mula noong bata pa ito ngunit hindi niya umano gusto ang ugali nito kaya i-u-unfollow na lamang daw niya ito

- Sinagot naman siya ni Lotlot at binuweltahan ang naturang netizen na nagsabing sobra nitong tinitiis ang ina dahil sa hindi nito pagdalaw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Binuweltahan ni Lotlot de Leon ang isang netizen na nagkomento sa kanyang Instagram post kaugnay sa lumabas na balita at litrato na nagsasabing hindi siya kasama sa mga kapatid niya na pumunta sa kanilang inang si Nora Aunor.

Read also

Ogie Diaz sa sinasabing patuloy na nang-iisa: "Nasakote din. Finally!"

Lotlot de Leon, hindi pinalampas ang aniya'y panghuhusga sa kanya
Lotlot de Leon at Fadi El Soury (@ms.lotlotdeleon)
Source: Instagram

Ayon sa netizen na nagkomento, masyado na umanong tinitiis ni Lotlot ang ina gayong ito ang umampon sa kanya. Tila pinamukha pa nito kay Lotlot na utang nito sa ina ang kanyang kinalalagyan sa kasalukuyan.

Matigas talaga puso noh? D namin alam kung ano ginawa sayo ni ate guy, subra mo cya natitiis, baka bumalik sayo ginagawa mo, pray harder n walang anak mo gumaya sayo. Siguro kung d k nya inampo wala k sa kalagayan mo ngayon. Sa nkikita puro lagi mo binabati CD d naman cya ang umampon sayo. Nkita namin lahat dinalaw c ate guy ikaw lang wala. Ano pag tingin mo sa kanya pangas? Idol kita like kita kahit noon p bata k pa kahit n nga ngayon sinusubay bayan kita. Pero d ko mapigilan sabihin ito. D ko gusto ugali mo. Iunfollow n kita

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Jelai Andres nang ma-depress dahil sa love life: "Nakapunta ako ng ospital na butas shorts ko!"

Sagot naman ni Lotlot, baka may idadagdag pa ito sa aniya'y panghuhusga nito sa kanya.

ay! Ang puso mo hinay hinay po.. Pero teka Baka kulang pa po sasabihin nyo? Wala na po ba kayo idadagdag sa panghuhusga nyo? Okay..noted po! Noted na noted po!
Lotlot de Leon, hindi pinalampas ang aniya'y panghuhusga sa kanya
Screenshot form @ms.lotlotdeleon
Source: Instagram

Si Lotlot de Leon o Charlotte Jennifer de Leon-El Soury sa totoong buhay ay sumikat nang maging bahagi ng That's Entertainment, kung saan naipareha siya kay Ramon "Monching" Christopher. Pumatok ang tambalan nila noong dekada 80. Ilan sa mga pelikula kung saan naitambal sila ay Bunsong Kerubin (1987), Love Boat: Mahal Trip Kita (1988), Love Letters (1988), Here Comes the Bride (1989), Mga Kuwento ng Pag-big (1989) Hotdog (1990) at marami pang iba.

Ikinasal siya kay Monching Gutierrez noong March 27, 1989 at nagkahiwalay sila noong 2010. Muling ikinasal si Lotlot kay Fadi El Soury noong December 17, 2018.

Samantala, ang anak ni Lotlot na si Janine Guttierez ay naging usap-usapan kamakailan kasunod ng paglabas ng balitang hiwalay na sila ng boyfriend nitong si Rayver Cruz. Para naman kay Lotlot ay hindi niya -pe-pressure ang anak niya na magpakasal.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel