Ogie Diaz sa sinasabing patuloy na nang-iisa: "Nasakote din. Finally!"

Ogie Diaz sa sinasabing patuloy na nang-iisa: "Nasakote din. Finally!"

- Mabilis na nag-viral ang post Ogie Diaz patungkol sa mga umano'y "nasa kulungan na"

- Sinasabing patuloy daw kasing nanlalamang o nang-iisa ng kapwa ang mga ito

- Sa comment ng naturang post, sinasabing may kaugnayan pa rin umano ito sa naunang post ni Ogie Diaz patungkol sa asawa ng isang kilalang basketbolista

- Aniya, may pagkakaautang daw ito sa kanya at binalak pa sana niya itong pangalanan sa social media

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mabilis na naging usap-usapan ang post ni Ogie Diaz patungkol umano sa mga 'nasa kulungan na' na patuloy na nanlalamang o nang-iisa ng kapwa.

Nalaman ng KAMI na sa post ni Ogie ngayong Enero 10, sinabing nasakote na ang taong kanyang tinutukoy.

Ogie Diaz sa sinasabing patuloy na nang-iisa: "Nasakote din. Finally!"
Ogie Diaz (Photo from Ogie Diaz YouTube channel)
Source: UGC

Sa comment section, sinasabing may kaugnayan pa rin umano ito sa naunang post ni Ogie patungkol sa asawa ng basketbolista na may utang daw sa kanya.

Read also

Jelai Andres nang ma-depress dahil sa love life: "Nakapunta ako ng ospital na butas shorts ko!"

Marahil sa tagal na hindi ito nakatutupad sa kanilang napagkasunduan ay binalak pa umano ni Ogie na pangalanan ito gayung sikat at kilala ang basketbolistang tinutukoy niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, sa isa pang post ni Ogie idinetalye niya ang umano'y naging usapan nila ng sinasabing asawa ng basketbolista.

"Ang luma na ng mga dahilan ng misis ni Basketball Player. Hintayin ko raw siyang makabangon para mabayaran ang utang sa akin," pahayag ni Ogie sa post.

Dalawang taon umano ang kanyang hinintay subalit hindi pa rin daw ito nakakabayad.

"Mabait naman ako, sabi ko sa kanya. Kaso parang inaabuso naman niya ang kabaitan ko,"

"Pasasaan ba’t babanggitin ko din ang name ng lola nyong maganda, pero lumampas sa kanyang lifestyle at ibinigay din ang marangyang buhay ng dyowa niyang player, kaya nagkandalubog-lubog din sa utang," dagdag pa ni Ogie.

Read also

Makulit na 'summary ng 2021' love story ng mister at manager ng Jollibee, nagpakilig sa netizens

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake".

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Isa sa mga naitampok ni Ogie ay si Pokwang at ang kabutihan ng puso nito kung saan nagawa pang kaawaan ang taong nanloko umano sa kanya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel