Vice Ganda, nagpaliwanag tungkol sa joke niyang inalmahan ng ilang teachers

Vice Ganda, nagpaliwanag tungkol sa joke niyang inalmahan ng ilang teachers

- Minabuti ni Vice Ganda na sagutin ang open letter sa kanya ng isang teacher kaugnay sa kanyang joke kamakailan sa 'It's Showtime'

- Ito ay ang kanyang sinabing ilalabas na ordinansiya niya bilang si Yormeme kaugnay sa pagtawag ng mga teacher sa estudyanteng hindi naman nagtataas ng kamay

- Sa binahaging screenshot ni Vice ng kanyang sagot sa naturang open letter, sinabi niyang ang "Yormeme" ay isang running joke

- Ang lahat daw ng sinasabi ni Yormeme ay mali at sana ay hindi sineseryoso ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Vice Ganda ang kanyang sagot sa naging reaksiyon ng isang netizen na nagpakilalang isang teacher. Ang open letter sa kanya ay kaugnay sa kanyang joke kamakailan tungkol sa pagtawag ng mga teacher sa estudyante na hindi naman nagtataas ng kamay tuwing may recitation.

Read also

Donita Nose, pinasilip ang kaganapan sa kanyang housewarming party

Vice Ganda, nagpaliwanag sa joke tungkol sa ordinansang ilalabas ni Yormeme
Vice Ganda, nagpaliwanag sa joke tungkol sa ordinansang ilalabas ni Yormeme (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Pinaliwanag ni Vice Ganda na biruan lamang sa kanila ang karakter na si Yormeme. Aniya hindi dapat sineseryosos ito dahil si Yormeme ay isang huwad na pulitiko at mali ang kanyang mga sinasabi.

“Yun nga lang po at baka hindi n’yo alam na ang ‘Yormeme’ ay isang RUNNING JOKE! Lahat po ng sinasabi ni Yormeme ay mali. Si Yormeme ay isang huwad at magnanakaw na pulitiko. Isa s’yang maling tao. Sana po’y di n’yo siya sineryoso. Kahanga-hanga po ang matalino at maalam. Pero ok din po ang may sense of humor paminsan-minsan,”

Sa kabila ng nag-viral na open letter kay Vice Ganda, mayroon ding mga nagpakilalang teacher na nagsabing hindi naman sila na-offend sa joke na iyon ni Vice kahit aminado silang ginagawa din nila ang pagtawag sa mga estudyanteng hindi nagtataas ng kamay.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Ogie D sa umano'y bad image ng Quiapo sa teleserye ni Coco: "Ganun talaga"

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na sa kasalukuyan ay hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, kasalukuyang nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel