Donita Nose, pinasilip ang kaganapan sa kanyang housewarming party

Donita Nose, pinasilip ang kaganapan sa kanyang housewarming party

- Ibinahagi ni Donita Nose ang video na kuha sa kanyang ginanap na housewarming party

- Sa naunan niyang vlog ay pinakita niya ang house tour sa katatapos lang na bahay niya

- Kabilang sa mga dumalo sa kanyang party ay mga kaibigang vlogger din at ang mga taong tumulong sa kanya upang mapaganda lalo ang bahay niya

- Hindi naman maitago ng kaibigan niyang si Petite ang kanyang kasiyahan para kay Donita dahil noon pa man ay pangarap na daw ito ni Donita

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbahagi si Donita Nose ng bagong vlog na kuha sa ginanap na housewarming party niya. Kamakailan nga ay binahagi niya ang isang house tour sa kanyang bahay.

Donita Nose, pinasilip ang kaganapan sa kanyang housewarming party
Donita Nose, pinasilip ang kaganapan sa kanyang housewarming party (@donitanose)
Source: Instagram

Marami sa kanyang mga kaibigang vlogger at komedyante ang dumalo sa kanyang party. Kabilang ang Beks friends, si Ethel Booba at Petite sa mga dumalo sa kanyang party.

Read also

Vice Ganda, nagpaliwanag tungkol sa joke niyang inalmahan ng ilang teachers

Hindi maitago ni Petite ang kanyang kasiyahan para sa kaibigan. Aniya, matagal na dapat na nagkaroon ng bahay si Donita. Noon pa man ay pangarap daw talaga niya ito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Donita Nose ay nakilala sa kanyang pagiging bahagi ng TV Show ni Willie Revillame. Kinalaunan ay sumikat ang tambalan nila ni Super Tekla at nakilala sa bansag na DonEkla. Binansagan siyang Pambansang Beshy matapos ang pinakita niyang suporta kay Super Tekla nang minsang madawit ito sa matinding kontrobersiya kaugnay sa reklamo ng dati nitong kinakasama.

Matatandaang tuluyang nakapaglipat ng bahay si Donita Nose matapos ang pagsasapubliko nila ni Super Tekla na maghihiwalay na sila sa paggawa ng vlog at maging ng bahay. Naikwento ni Donita na tapos na ang kontrata ng naunang bahay na tinitirhan nilang magkasama. Noong una umano ay parehas nilang napagpasyahan na maghanap ng bahay kung saan magsasama pa rin uli sila. Gayunpaman, hindi na umano pumirma si Super Tekla pagdating ng kontrata para sana sa bahay na kanilang lilipatan.

Read also

Toni Fowler, pinakita ang bahay na nilipatan nila ng ToRo family

Aminado ang isa pang ka-tandem ni Super Tekla na si Boobay na naawa umano siya kay Tekla. Sa katunayan ay pinayuhan umano niya ito na ipagtanggol naman ang sarili niya kay Donita Nose. Dagdag pa ni Boobay, sana ay huwag lang puro katamaran ang pansinin kay Tekla at sana ay bigyan din ng importansiya ang ambag nito sa kanilang samahan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel