Toni Fowler, pinakita ang bahay na nilipatan nila ng ToRo family

Toni Fowler, pinakita ang bahay na nilipatan nila ng ToRo family

- Ibinahagi ni Toni Fowler na balik condo silang pamilya matapos nilang lisanin ang ToRo de Palacio

- Sa mas nauna niyang vlog ay naibahagi niyang kailangan niyang lumipat ng tirahan na mas malapit sa kanyang trabaho

- Hindi pa silang lahat magkakasama sa isang building ngunit mayroon pa raw hinihintay na unit si Toni para sa iba pa nilang kasamahan

- Kasama nila Toni at Vince Flores si Tyronia sa kanilang unit na kanyang pinakita sa kanyang bagong vlog

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinakita ni Toni Fowler ang nilipatan nilang condo unit matapos nilang lisanin ang ToRo de Palacio. Sa nauna niyang vlog ay naibahagi niyang kinailangan niyang lumipat sa tahanan na mas malapit sa kanyang trabaho.

Toni Fowler, pinakita ang bahay na nilipatan nila ng ToRo family
Toni Fowler, pinakita ang bahay na nilipatan nila ng ToRo family (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Pinasilip ni Toni ang condo unit na titirhan nila ni Vince Flores kasama ang anak niyang si Tyronia Fowler. Dahil mas maliit kesa sa ToRo de Palacio, kinailangan nilang ayusin ang mga gamit upang pagkasyahin sa kanilang unit.

Read also

Neri Miranda sa araw na muntik na niyang hiwalayan si Chito: "Nakikinig ako ng Halaga"

Hindi pa silang lahat magkakasama sa isang building ngunit mayroon pa raw hinihintay na unit si Toni para sa iba pa nilang kasamahan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel