Neri Miranda sa araw na muntik na niyang hiwalayan si Chito: "Nakikinig ako ng Halaga"

Neri Miranda sa araw na muntik na niyang hiwalayan si Chito: "Nakikinig ako ng Halaga"

- Ikinuwento ni Neri Miranda ang araw na muntik na niyang hiwalayan si Chito Miranda

- Magkasintahan pa lang sila noon at aminado si Chito na buhay rockstar siya na talagang madalas paligiran ng mga babae

- Babalik na sana noon si Neri sa Subic at habang nag-eempake, kanta pa rin ni Chito ang kanyang pinakikinggan

- Subalit mula noon, nagkaayos sila at tuluyan nang nagbago si Chito hanggang sa it'y mapangasawa na niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Neri Naig Miranda ang minsang muntik na nilang paghihiwalay ni Chito noong mag-boyfriend/ girlfriend pa lang sila.

Neri Miranda sa araw na muntik na niyang hiwalayan si Chito: "Nakikinig ako ng Halaga"
Neri at Chito Miranda (@chitomirandajr)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na habang si Neri ay nakaka-isip na magseryoso pa lalo sa buhay tulad nang pagkakaroon ng pamilya, si Chito ay buhay rockstar pa rin na madalas umanong makasama ng mga babae.

Read also

Madam Inutz, emosyonal sa muling pagkikita ng bunsong anak at ama nito

"Chito, I won't ask you to change. Baka may tamang girl for you, naniniwala akong may tamang guy for me," ang nasabi noon ni Neri kay Chito nang binalak na niya itong hiwalayan.

Nasa punto na umanong nag-eempake na siya ng gamit at pauwi na sana sa bahay nila sa Subic. Habang ginagawa ito, ang kantang "Halaga" ng banda ni Chito na Parokya ni Edgar pa rin ang kanyang pinakikinggan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Subalit nasa isang oras pa lamang halos ang lumipas, umuwi agad si Chito at nanginginig na yumakap sa kanya.

Mula raw noon ay talaga namang pinaramdam ni Chito kung gaano kahalaga sa kanya si Neri at tuluyang binago ang lifestyle sa kabila ng patuloy pa rin niyang pagbabanda.

Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag mula sa YouTube channel ni Bernadette Sembrano kung saan nagpaunlak sila ng panayam:

Read also

Zeinab, walang nabiling regalo sa pamangkin; bibigyan na lang ng Php100,000

Si Neri Naig Miranda o Nerizza Garcia Presnede Naig-Miranda sa tunay na buhay ay isang aktres na unang nakilala nang mapasali siya sa reality show ng ABS-CBN na Star Circle Quest. Tinanghal siyang 6th runner-up sa naturang talent search. Taong 2014 nang ikasal sila ng bokalista ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda.

Sa ngayon, isa nang matagumpay na businesswoman si Neri na labis na hinahangaan ng marami dahil sa kanyang kakaibang sipag at diskarte sa pagnenegosyo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel