Zeinab, walang nabiling regalo sa pamangkin; bibigyan na lang ng Php100,000

Zeinab, walang nabiling regalo sa pamangkin; bibigyan na lang ng Php100,000

- Php100,000 ang ibibigay umano ni Zeinab Harake sa pamangkin niyang si Neisha

- Wala raw itong nabiling regalo kaya naman bibigyan na lang daw niya ito ng cash

- Nagbiro pa si Rana na kung ito nga ang regalo ni Zeinab sa kanyang anak ay sa kanya lamang ito mapupunta

- Kilala rin ang vlogger na si Zeinab sa pagiging mapagbigay nito at matulungin hindi lang sa kanyang pamilya kundi sa sa mga kaibigan at iba pang taong nangangailangan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tumataginting na Php100,000 ang umano'y ibibigay ni Zeinab Harake sa pamangkin niyang si Neisha na nagdiwang ng kaarawan.

Zeinab, walang nabiling regalo sa pamangkin; bibigyan na lang ng Php100,000
Zeinab Harake (@zeinab_harake)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na sa vlog ng ina ni Neish na si Rana, tinanong ni Zebby ang pamangkin kung tumatanggap ito ng cash.

"Neisha, tumatanggap ka ba ng cash? Oo, bigyan nalang kita ng Php100,000 cheque," tanong ni Zeinab na ikinagulat naman ng kapatid na si Rana.

Read also

Sharon Cuneta, aminadong nalungkot sa pag-unfollow ni KC kina Kiko at Frankie Pangilinan

Wala raw kasing nabiling regalo si Zeinab para sa pamangkin kaya naman pera ang balak niyang ibigay dito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Ay ganun pala mag-ninang no? Php100K. Buti nalang hindi ako ninang ni Bia," pabirong nasabi naman ni Rana.

Si Neisha ay anak ni Rana na kapatid ni Zeinab. Sa kanilang mga vlogs, madalas ding mapanood ang mga bata na nakadaragdag ng saya sa kanilang tahanan.

Narito ang kabuuan ng masayang birthday celebration ni Neisha mula sa YouTube channel ng kanyang Mommy Rana:

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber sa bansa na mayroon nang 13.3 million subscribers sa kanyang channel.

Sa mga huling vlogs niya noong 2022, ipinakita ni Zeinab ang pagpapahalaga sa sarili lalong-lalo na rin sa kanyang pamilya. Subalit, hindi pa rin ito nakalimot na magbahagi ng kanyang biyaya lalo na sa mga taong higit na nangangailangan ng tulong.

Read also

Vlogger na aminadong hirap magbasa noon, maraming tao na ang natulungan

Naibahagi rin niya umano ang mga natutunan niya noong nakaraang taon na inulan siya ng kabi-kabilang kontrobersiya.

Gayunpaman, labis-labis pa rin ang pasasalamat ni Zeinab na nagtapos pa ring matagumpay ang kanyang 2022.

Sa pagpasok naman ng 2023, kabi-kabila ang kanyang naging proyekto. Isa na rito ang pasabog niyang performance sa "Pinakamakinang concert" ng Brilliant Skin na ginanap kamakailan sa Araneta Coliseum.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel