Madam Inutz, emosyonal sa muling pagkikita ng bunsong anak at ama nito

Madam Inutz, emosyonal sa muling pagkikita ng bunsong anak at ama nito

- Emosyonal si Madam Inutz at sa muling pagkikita ng bunsong anak at ama nito

- Matatandaang taong 2020 nang magsimulang mag-online selling upang makalimot sa naging hiwalayan nila ng ama ng kanyang bunsong anak

- Ngayon, masaya na siyang makita ang anak na nakapiling muli ang ama nito

- Aniya, napatawad na rin niya ito at bilang patunay, kasama na rin nila ang kani-kanilang mga bagong partner nang sila'y magkita

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminadong naging emosyonal si Madam Inutz nang magkita muli ang kanyang bunsong anak na si Jade at ang ama nito.

Nalaman ng KAMI na ito ay ang foreigner na huling nakarelasyon ni Madam at ito rin ang nakahiwalay niya noong 2020 na siyang naging dahilan ng kanyang pagpasok sa live selling.

Sa kanyang post, ibinahagi ni Madam ang ilang eksena sa pagtatagpo nila ng ex para sa kanilang anak.

Read also

Gladys Guevarra, binahagi ang isang video clip na kuha sa kasal nila ng mister

Kasama na rin nila ang bago nilang mga partner patunay na naka-move on na sila sa sinapit ng kanilang relasyon.

"Pero honestly, ang sarap lang sa pakiramdam na pinatawad mo 'yung taong nagkasala sa'yo... ang saya lang ng puso ko na magkakasundo kami ohh jieevva," ang bahagi ng caption ng post ni Madam kung saan makikita ang kanilang mga larawan.

Pinasalamatan din niya ang kanyang bagong partner na si Tan-tan sa pagsuporta nito sa kanya sa pagkikita ng kanyang mag-ama.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Narito ang kabuuan ng post:

Si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz ay napansin sa kanyang kakaiba at nakakaaliw na live-selling kung saan tahasan niyang minumura ang kanyang mga viewers. Hindi raw kasi nagma-mine ang mga ito at tumatambay lang sa kanyang live selling. Sa kabila nito tumatabo ng mahigit 15,000 ang mga viewers niya kaya naman mabilis siyang nakilala online.

Read also

Pastor Dimver Andales, balak na kasuhan ang nagpapakalat ng 'rumors' sa kanya

Dahil dito, nakilala at minahal siya ng publiko lalo na nang malaman nila ang kwento ng kanyang pagsisikap.

Nang makalabas noon sa bahay ni Kuya, agad niyang hinarap ang mga proyektong inihanda sa kanya ng manager na si Wilbert Tolentino.

Kabi-kabilang mga guestings at interviews ang kanyang pinaunlakan at patuloy pa rin ang kanyang pagiging online raketera dahil sa mga bagong produkto na kanilang nai-launch kamakailan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel