Parokya ni Edgar, may pa-face reveal sa lagay ng kabandang si Gab

Parokya ni Edgar, may pa-face reveal sa lagay ng kabandang si Gab

- Muling nagbigay ng update ang bandang Parokya ni Edgar sa lagay ng miyembro nilang si Gab

- Kamakailan ay masaya nilang ibinalita na nakalabas na ito sa ICU at nakatutugtog na ng gitara

- Sa pinakabagong post ng grupo, may 'face reveal' pa si Gab at makikita na talagang lumalaban ito sa kanyang karamdaman

- Kabi-kabila ang mga benefit shows para sa kanya para sa gamutan ng sakit niyang lymphoma

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ipinakita ng bandang Parokya ni Edgar sa kanilang facebook page ang kalagayan na ngayon ng miyembro nilang si Gabriel "Gab" Chee Kee.

Parokya ni Edgar, may pa-face reveal sa lagay ngayon ng kabandang si Gab
Gabriel "Gab" Chee Kee (Parokya ni Edgar"
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ipinakita rin mismo ang itsura na ngayon ni Gab matapos na mailabas sa ICU.

Sa naturang post, makikitang nakakatugtog na ito ng gitara at nakangiti pa sa camera.

Read also

Neri Miranda sa araw na muntik na niyang hiwalayan si Chito: "Nakikinig ako ng Halaga"

"FACE REVEAL! Woke up feeling cute, might delete later. Hehe Joke lang! Dahil sa tulong, dasal, at good vibes niyo, eto si Gab ngayon!"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Happy siya dahil nakalipat na siya sa regular room! Isa-isa na tinatanggal yung mga tubes na nakakabit sa katawan niya."

Ipinakita rin ang paglipat na nito sa regular room para naman sa patuloy na gamutan ng kanyang lymphoma.

"May cancer pa rin siya, so tuloy-tuloy pa rin ang laban para makasama na namin siya on the stage soon! Laban pa Gab! Kayang-kaya yan!" ang bahagi ng caption ng naturang post.

Enero ng kasalukuyang taon nang kumpirmahin ng bokalista ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda ang lagay ng kanyang best friend at kabanda na si Gabriel Chee Kee.

Sa post ni Chito, sinabi nitong mayroong lymphoma si Gab na bagama't handa ito sa pagpapa-chemotherapy, tinamaan naman ito ng pneumonia dahilan para siya'y malagak sa ICU ng mahigit halos dalawang buwan.

Read also

Mikee Morada, napa-walk out sa prank ni Alex Gonzaga sa kanya

Kabi-kabila na ang mga benefit shows para kay Gab upang makatulong sa medical expenses nito. Labis-labis naman ang pasasalamat niya at kanyang mga kabanda at pamilya sa umaapaw na tulong at suporta dahilan para unti-unting bumuti ang lagay nito.

Tulad na lamang ng bidding sa gitarang pirmado ng bandang Eraserheads. Umabot ang halaga nito sa Php1.3 million at napunta sa pagpapa-ospital ni Gab.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel