Gab ng Parokya ni Edgar, nakalabas na sa ICU: "Hindi pa siya makakalabas ng hospital anytime"

Gab ng Parokya ni Edgar, nakalabas na sa ICU: "Hindi pa siya makakalabas ng hospital anytime"

- Nakalabas na sa ICU ang gitarista ng Parokya ni Edgar na si Gab Chee Kee

- Kinumpirma ito sa pamamagitan ng isang post ng kanilang 'Parokya ni Edgar' Facebook page

- Makikita rin sa naturang post na nakakahawak na ng gitara si Gab at maari na rin daw itong makahawak ng cellphone

- Gayunpaman, hindi pa rin ito makalalabas ng ospital sa patuloy nitong pagpapagaling at pagpapalakas

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Masayang ibinalita ng Parokya ni Edgar Facebook page na nakalabas na sa ICU ang kanilang gitarista na si Gab Chee Kee

Nalaman ng KAMI na bagama't nakalabas na ito ICU, mananatili pa rin ito sa ospital.

"Finally!!! Gab is out of the ICU! Thank you Lord! Though still far from 100%, he has already transferred to a progressive room to continue his recovery from the pneumonia and the complications brought after."

Read also

Zeinab Harake, ibinahagi ang larawang kuha sa kanya sampung taon na ang nakalipas

Maari na rin umanong makahawak at makagamit ng cellphone si Gab kaya naman mababasa na rin daw umano ang mga komento ng mga taong sumusuporta sa kanya at naniniwalang makababalik pa rin siya sa pagtugtog.

"Pwede na rin siya humawak ng cellphone at nababasa niya ang mga comments, kaya wag kayo magulat kung biglang mag-reply siya sa inyo! Since nababasa niya to, positive comments please para pang tulong sa recovery! Bawal mga negastar!," paalala sa post.

Gayunpaman, labis na nagpasalamat ang buong Parokya ni Edgar sa tulong at suporta na binibigay kay Gab lalong-lalo na ng kanilang mga fans.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Narito ang kabuuan ng post:

Enero ng kasalukuyang taon nang kumpirmahin ng bokalista ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda ang lagay ng kanyang best friend at kabanda na si Gabriel Chee Kee.

Read also

Zeinab Harake, ibinida ang kanyang panganay na si Lucas: "May binata na talaga ako"

Sa post ni Chito, sinabi nitong mayroong lymphoma si Gab na bagama't handa ito sa pagpapa-chemotherapy, tinamaan naman ito ng pneumonia dahilan para siya'y malagak sa ICU mahigit isang buwan na ang nakalipas.

Nito lamang Valentine's day, nagawa nilang bisitahin si Gab. Bagama't unti-unti nang bumubuti ang lagay nito, hiling pa rin nila ang patuloy na tulong at dasal para sa kanilang kabanda.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel